Chapter 10

1.8K 100 13
                                    

Jaycee's POV

Inalalayan kong maglakad ang kambal papasok sa loob ng kwarto nila dito sa roof top. Pinaupo ko sila sa sofa.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila.

"You might wanna treat our wounds first." walang ganang sabi ni James.

"Right!" Pumunta ako sa may kusina. Saan ko ba makikita ang first aid kit nila dito? Binuksan ko ang bawat cabinet na nandun pero mukhang wala naman dito. Bumalik ako sa may sofa.

"Where's your first aid kit?" tanong ko.

"We don't have one." sabi ni Aeron.

"You should said that earlier." naka pokerface ako. "Paano ko kayo gagamutin kung wala naman kayong first aid kit?"

"For a nerd, you should be smart." tumingin sa akin si James. "Go get one in the clinic room."

Ngumiti lang ako ng bahagya at tumayo.

"Okay..." Lumabas na ako at nagtungo sa clinic room. Medyo malayo layo ang clinic room. Marami pa akong lilikuan para makarating lang dun.

Mga apat na turns na lang at makakarating na ako sa clinic room. Pagkaliko ko ay may nakita akong dalawang lalaking nagtatawanan. Napatingin sila sa akin at nag smirk at saka pa sila umalis. What was that all about?

Nakarating ako sa clinic at pumasok ng biglang may nahulog sa aking katawan na isang timba ng tubig.

Aaargghh! Who done this!? Bigla kong naalala yung dalawang lalaking nagtatawanan kanina. Posibleng sila yun! Pero bakit naman nila gagawin yun sa akin? I don't know them kaya wala naman siguro akong atrasong ginawa sa kanila.

Tuluyan na akong pumasok at naghanap ng towel. Pinunasan ko muna ang katawan ko bago ko pa kinuha ang first aid kit.

Bumalik ako sa rooftop ng medyo basa basa pa. Lumapit ako sa kambal.

"I got the first aid kit." sabi ko. Tumingin sila sa akin at nanlaki ang mga mata.

"Why are you wet?" tanong ni Aeron.

"Ahh..." ano ba ang sasabihin ko?

"You better change your clothes if you don't wanna catch a cold." seryosong sabi ni James. Nag nod lang ako. "You can borrow some of my clothes. They're in my room."

Pumasok ako sa kwarto ni James. Hmmm... Malinis naman siya hindi tulad ng una akong pumasok dito.

Binuksan ko ang napakalaking cabinet at nakita ang napakaraming damit niya. Dito ba talaga sila nakatira? Naglayas ata ang mga 'to eh.

Kumuha lang ako ng T-shirt at short. Sinuot ko agad yun. Isa lang ang masasabi ko.... Mukha akong tanga. Sobrang laki ng T-Shirt niya sa akin. Tapos yung short niya napakaluwang. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung isusuot ko pa ba ito o yung basang damit ko na lang.

"Jaycee!!!" Sigaw ni Aeron kaya agad naman akong lumapit sa kanila. Ng makita nila ako ay napatawa silang dalawa. "It suits you perfectly! HAHAHAHA!"

Sinamaan ko sila ng tingin pero tuloy parin sila sa pagtawa sa akin. Minsan ko lang silang makitang tumawa ng ganito. They rarely laugh. Kaya napatawa na lang din ako. It's nice seeing them laughing.

"Umayos nga kayo at gagamutin ko na yang mga sugat niyo." agad naman silang umayos ng upo. Masunurin naman pala ang mga 'to eh hehehe.

Una kong ginamot si Aeron kasi kanina pa siyang nagrereklamo na gusto na daw niyang matulog. Sumunod naman ay si James. Pumasok na sa kwarto niya si Aeron.

"Why are you doing this?" tanong ni James. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?"

"This. Ginagamot mo kami."

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon