[A/N: PICTURE NI DYCA AT ANG IBA PANG KA-TEAM MATE NI KELVIN. ^__^ ]
Jaycee's POV
"Okay Jaycee, nice work. Pwede ka ng umuwi." sabi ni Drex.
Tumango ako at nagpaalam sa kanila. 9 hours din akong nagtrabaho ngayong araw na 'to. Hindi naman siya mahirap. Halos wala nga akong ginawa eh. Pero kahit ganun ayoko pa rin sa trabaho ko.
"Jaycee... Hatid na kita." anyaya ni Karl.
"Okay lang?" Nakakatamad kasing mag commute. Ang layo sa J&A Village. At medyo inaantok na ako. Baka makatulog pa ako sa byahe.
"Oo naman. Tara." Ngumiti si Karl at inakbayan ako. Naglakad kami papuntang parking at sumakay sa kanyang kotse.
Katrabaho at matalik na kaibigan ko si Karl. 18 years old pa lang siya. Sobrang gwapo ng lalaking 'to . Pero lahat talaga ng katrabaho ko ay gwapo hihihi. 'Yun lang yung part na gusto ko sa trabaho ko Hahaha! Landi naman dis girl .
Binuksan ni Karl ang pinto sa shotgun at pumasok ako. Gentleman parin siya as ever. Kaya love na love ko siya eh hahaha. Sinuot ko agad ang seatbelt ko. Pumasok na rin sa loob si Karl at pinaandar ang kotse niya.
"It's good to hear na makakasama kita every Saturday. Mabuti at napilit ka ni Drex hahaha." Nakatingin siya sa daan habang tumatawa.
"You know Drex. Hindi naman siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya." Sabi ko.
"Gagawa siya ng paraan para lang makuha niya ang gusto niya. That's Drex." sumulyap sa akin si Karl. "Bakit hindi ka na lang pumasok sa dapat pinapasukan mo ngayon? Para naman lagi tayong magkasama. Wala ka namang aalalahanin kasi sakop na naman yun ng trabaho natin. Si Drex na ang bahala dun."
"Karl. I told you already. Ayoko dun. Edi everyday may trabaho ako? Hindi ako makakapag focus sa pag-aaral ko kapag ganun. Okay na ako sa pinapasukan ko." Ipinikit ko ang mga mata ko. Narinig kong huminga ng malalim si Karl.
"If that's what you want. You better get some rest. Gisingin na lang kita kapag nasa J&A Village na tayo." Sabi ni Karl. Kinuha ko yung ID ko sa bulsa ko at ibinigay iyon sa kanya para makapasok siya sa loob ng village.
"Thanks." Pumikit na ulit ako at nakatulog.
After isang oras ay nakarating na kami sa Village. Ginising ako ni Karl. Nasa tapat na kami ng bahay.
"Salamat Karl. See you next week." inalis ko yung seatbelt ko at bumaba na.
"See you." Pinaandar na niya ang kotse niya at umalis na.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Walang tao sa loob. Umalis ata si Kelvin. Baka may practice? Gusto ko pa naman siya kausapin dahil sa inasal ko kagabi. I know that was kinda rude. Hindi ko rin alam kung bakit ganun yung inasal ko.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Nalabhan ko na kagabi yung pinahiram sa akin ni James na damit and I think I should give it back to him right now.
Hindi ko alam kung ano ang house no. nila pero sa tingin ko alam ko na kung ano ang bahay nila. Naglakad ako papalapit sa pinakamalaking bahay dito sa J&A Village. Meron din 'tong malaking gate. House no. 01.
Inaalala ko kung paano ba ako makakapasok dito? May dalawang guard na nakatayo sa harap ng gate. Para silang estatwa kasi hindi sila gumagalaw.
Biglang may bumusina sa likod ko na kotse at may lumabas na magandang babae. Mas matanda ata siya ng dalawang taon sa akin. Maputi, singkit ang mata, sexy at may mahabang buhok siya. Para siyang koreana.
BINABASA MO ANG
The Twin's Nerd ✔ (Completed)
RomanceSi Jaycee De Vera ay isang simpleng estudyante na ang hangad lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap sa buhay. Isa siyang transferee third year college at J&A University. Mahirap man siya ay hindi iyon naging hadlang upang m...