Jaycee's POV
*ringing*
I answered the call without looking at the screen.
"Yeah?"
"Samantha! Later at 5:30. Don't be late."
Tiningnan ko ang screen to know who it is.
"Drex? Is that you?" Tanong ko para makasigurado.
"Yup. Don't be late okay? I'll hang u-"
"Wait! What happened to your voice?"
"Don't ask. Ikaw ang may kasalanan nito. Bye." Binaba na niya ang tawag.
"Shit! Drex is totally pissed. Bakit kasi hindi pa ako nagpakita noong huling photo shoot namin. Aish! Siya kasi! Ayaw niya akong patuluyin sa bahay niya heuheuheu!"
Para akong tangang kinakausap ang sarili ko habang pumapasok sa university. Hindi ko kasama ngayon si Red kasi gusto ko naman pagpahingahin ang mga mata at bibig ng aking mga haters. Baka napapagod na sila. Kawawa naman. Ako na ata ang pinaka-caring na tao sa mga haters ko hahaha.
Tumigil ako sa paglalakad ng may kumalabit sa likuran ko. Tiningnan ko siya and based on her looks she must be a sophomore.
"Ate Samantha." She smiled at me confidently. She's pretty cute. May malalim siyang dimples.
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.
"May naghihintay po sa inyo sa harap ng bulletin board." Ha? Bakit doon pa? Kung saan maraming tao dun pa niya ako gustong papuntahin? Sino ba yun?
"Ah.. Sino raw?"
"It's better if you don't know daw eh." Tumaas ang aking kilay. Why do I have this feeling na alam ko na kung sino siya.
"Pasabi hindi ako pupunta." Tumalikod na ako at naglakad na paalis.
"Bawal daw po kayong humindi. Or else pagsisisihan niyo daw po."
Tumigil ako at humarap sa kanya.
"Is he threatening me? Tss..." Oo nga pala. Lagi nga pala niya ako thine-threaten ugh!!! "Okay. Ngayon na ba?" Nag nod siya kaya naman ay tinalikuran ko na ulit siya.
"Wait ate Samantha!"
"What?" Nilingon ko na naman siya.
"I'm a huge fan of yours." Kinikilig niyang sabi. "Pwede po bang magpapicture and magpa-autograph?" I plastered a smile.
"Sure. Anything to my fans."
Marami pa rin naman akong fans dito sa university na 'to. Yung iba ay kinain lang talaga ng selos at inggit. Selos at inggit because of the three popular heartthrob who are always at my side, nakikipag away pa dahil lang sa akin. Idagdag na rin natin ang sikat na si Red. Jealousy is evil nga naman . Hashtag beauty problems.
Nakikita ko na ang kumpulan ng mga estudyante. Bakit ba hindi na naubusan ng mga tao dun? Ano bang meron sa spot na yun ha? Mga wala naman atang kwenta ang mga nakapaskel don eh.
Naglalakad na ako papalapit sa maraming tao. Nakaka-attract na nga yung presence ko eh. Ang ganda ko kasi hahaha. Halos sa akin na nakatingin ang lahat.
Himala. Wala ata akong naririnig na kahit anong negatives sa kanila ha? Bago 'to ha hahaha. Nahati sila sa gitna kaya naman ay nagkaroon ng daan para madaanan ko. Ay sosyalen!
So dumaan na nga ako at nakita ko si James na nakaupo sa isang upuan at may nakasabit na gitara.
"Jaycee! You came!" Sigaw ni James.
BINABASA MO ANG
The Twin's Nerd ✔ (Completed)
RomanceSi Jaycee De Vera ay isang simpleng estudyante na ang hangad lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap sa buhay. Isa siyang transferee third year college at J&A University. Mahirap man siya ay hindi iyon naging hadlang upang m...