Chapter 6

2.1K 119 17
                                    


Jaycee's POV

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at sinilip kung may tao sa labas.
Bumaba ako ng hagdan habang tinitingnan ang paligid. Maaga akong gumising ngayon kasi ayoko munang makita si Kelvin.

Hindi ko pa siya kayang harapin. Nahihiya kasi ako sa kanya. Hindi ko inaasahang mag co-confess siya sa akin.

Pumunta ako ng kusina para magluto ng breakfast ko. Linggo ngayon at balak ko sanang sumimba.

Paglapit ko sa may ref ay may nakita akong nakadikit na note.

Jaycee,

Pinagluto na kita ng breakfast mo. Painitin mo na lang sa oven . Maaga akong umalis kasi may practice ang team ngayon.

And I'm serious about what I've said last night... :)

-Kelvin

Automatic na namula ang pisngi ko. Hindi pa rin mag sink-in sa sa utak ko na may gusto talaga sa akin si Kelvin.

Parang nung isang araw lang ako lang yung nagkakagusto sa kanya, tapos ngayon may gusto na rin siya sa akin pero....

Bigla akong nalungkot sa naisip ko.

Baka siguro kaya siya nagkagusto sa akin dahil sa..... sikreto ko.

It's possible pero ayoko munang isipin na yun nga yung dahilan.

Kinuha ko yung nilutong pagkain ni Kelvin para sa akin. Medyo mainit pa ito kaya hindi ko na pinainit pa. Kakaalis lang niya siguro.

Pagkakain ko ay agad na akong naligo at nagbihis. Kinuha ko yung string bag ko at inilagay dun yung pinadala sa akin na cookies ni lola.

Inayos ko na ang sarili ko at handa ng umalis.

Ini-lock ko ang bahay at naglakad na palabas ng village.

Pumara na ako ng taxi at agad na sumakay. Baka may makakita pa sa akin.

"Manong sa *insert address* po tayo." sabi ko sa taxi driver na agad namang tumango.

Ilang sandali pa ay napapansin ko na patingin-tingin sa rear mirror ang taxi driver. Bigla akong kinabahan. Kanina pa niya akong tinitingnan.

Hala! Baka holdaper 'to! Huhuhu! Hindi po ako mayaman! Huhuhu!

Pasimple kong kinalkal ang string bag ko at hinanap ang pepper spray ko.

Shit naman! Hindi ko pala dala! Huhuhu pano na ako ngayon niyan!

"Miss..." sabi nung driver.

Bumilis ang tibok ng puso ko... Waaaah!!! Ayoko neto! Huhuhu.

"Yaaaah! Manong wala po akong pera. Hindi po ako mayaman! Huhuhu! Wag niyo po akong sasaktan!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Tinakpan ko na nga ng dalawa kong kamay ang mukha ko.

Tumawa siya ng mahina kaya napasilip ako sa kanya. Bakit siya tumatawa!? Mukha ba akong nakakatawa? Hmp!

"Hindi kita sasaktan miss. Hahaha. Bakit niyo naman nasabi yan?" tanong niya.

"K-Kasi.... K-Kanina niyo pa akong tinitingnan sa salamin..." mahina kong sabi.

"Ah... Miss mukha kasi kayong pamilyar eh."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Ah m-manong baka kamukha ko lang po 'yun, hehehe. Dito na po ako, bababa na po ako." itinigil na niya ang taxi. Binayadan ko na siya at agad ng bumaba.

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon