Jaycee's POVHumilata ako sa sofa pagkapasok ko sa bahay. Pagod na pagod talaga ako. Hindi ba pwedeng maging tahimik na lang ang college life ko? Nakakapagod eh.
"So you're with the twins?" umayos ako ng tayo ng biglang sumulpot si Kelvin.
"Obviously." Bored kong sagot. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan yung isa kong kamay. Napatingin ako dun at bigla na lang akong nakaramdam ng init sa pisngi.
"It may sound weird and creepy but I care for you. Kahit na dalawang araw palang tayong magkakilala." Ngumiti siya sa akin. "Walang magandang maidudulot sa 'yo yung kambal. Puro sila kalokohan. I know them. And as far as I know, they'll just make your life miserable." Tumayo siya at umakyat na sa taas.
"I know." I know they are trouble. Pero heto ako, wala na namang choice. And what's with Kelvin and the Twins? Para kasi kanina ang sama ng tinginan nila. May problema ba sila? Nag kibit balikat na lang ako at umakyat na din sa taas.
Sinimulan ko nang sagutan yung assignments namin. Una ko munang sinagutan yung akin syempre. Medyo may kahirapan pero natapos ko naman. Kinopya ko na lang yung sagot ko at yun ang sinulat sa book ng kambal. Alam kong tama lahat ang sagot ko. Ako pa ba? Hahaha.
May kumatok sa pinto kaya pinagbuksan ko. Malamang si Kelvin yun. Kami lang naman ang tao sa bahay eh.
"Dinner?" May bitbit siyang isang tray na may lamang pagkain.
"Hehehe salamat. Nakakahiya naman. Nag-abala ka pa." Kinuha ko yung tray at pinatong sa mesa.
"Okay lang. You're like a sister to me." bat parang bigla akong nalungkot sa sinabi niya? Baka siguro dahil kahit kailan hindi ako nagkaroon ng kapatid. Tama yun nga siguro 'yun! Hehehe.
Kumain na ako at naligo na. Naghanda na ako sa pagtulog. Madali naman akong nakatulog .
Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bukas na bintana ng kwarto ko. Tiningnan ko kung anong oras na and shit! Malalate na ako!
Nagmadali akong naligo at nagbihis na agad. Hindi na ako nagabalang kumain pa ng breakfast. Bumaba na ako at lumabas ng bahay pero agad din ulit akong pumasok.
"Yung wig at glasses ko!" Nagmadali akong umakyat at sinuot ang wig at glasses ko.
Tinakbo ko na ang papuntang University. Bakit hindi man lang ako ginising ni Kelvin? Heuheuheu.
Pagpasok ko sa room namin ay wala ni-isang estudyante sa loob. Nasaan na sila? Naisipan ko munang umakyat sa rooftop para ibigay ang books ng kambal.
Habang naglalakad papuntang rooftop ay nakasalubong ko na sila.
"James! Aeron!" Tawag ko sa kanila at agad naman silang lumingon. Lumapit ako sa kanila at ibinigay na ang books nila. Aalis na sana ako ng pigilan nila ako.
"Where are you going?" Tanong ni James. Si James siya kasi tiningnan ko yung I.D niya hehehe.
"Sa room." Sagot ko.
"Noob. Nasa gymnasium sila." aray naman! Kung makatanga naman 'tong si Aeron heuheuheu. Matalino kaya ako.
"Ah okay. Sige punta na ako dun." Tatakbo na sana ako ng hawakan ni Aeron ang kamay ko.
"Wala kang P.E. uniform, tss." oo nga noh? Aish! Nakalimutan kong umorder ano ba naman yan!?
"Here." May inabot sa aking paper bag si James at tinanggap ko naman iyon. Tiningnan ko ang laman at... May pe uniform na ako yehey! hehehe.
"Salamat!" Nakangiti kong sabi at aalis na ulit sana pero pinigilan na naman nila ako. "Ano na naman?"
"Hindi mo alam kung saan ang gymnasium, bird brain." sabi ni James. Oww? Oo nga noh. Bat kasi walang nagmamagandang loob na i-tour ako sa napakalaking university na 'to.
BINABASA MO ANG
The Twin's Nerd ✔ (Completed)
RomantizmSi Jaycee De Vera ay isang simpleng estudyante na ang hangad lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap sa buhay. Isa siyang transferee third year college at J&A University. Mahirap man siya ay hindi iyon naging hadlang upang m...