VOTE AND COMMENT
***********
Chapter 9Jaycee's POV
"James...." tumingin siya sa akin pero ang seryoso pa rin ng mukha niya. Sumakay kami sa elevator.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko habang pinupunasan ang luha ko.
"Just be quiet." nanahimik na lang ako. Nakakatakot talaga siya pag seryoso siya.
Tumunog ang elevator at bumungad ang roof top. Sinalubong agad kami ng malakas na hangin.
Nakita ko si Aeron na nakaupo sa may gilid.
"Bakit mo ako dinala dito?" hindi umimik si James at naglakad papalapit sa kakambal niya.
Nice talking. Very nice. Tsss.... Lumapit ako sa may edge ng roof top at nakita ang kabuuan ng University. Sobrang laki ng School na 'to. Kitang kita dito ang iba't-ibang building at ang forest dito sa loob ng university.
"Jaycee...." mahina at malamig na tawag sa akin ni James. Tumingin ako sa kanya at naghihintay ng mga susunod niyang sasabihin.
"Pwede bang magsimula ulit tayo?" Natigilan ako. Tama ba ang narinig ko? Magsimula ulit kaming tatlo? Anong sasabihin ko? Tama bang nandito ako ngayon at kausap ang kambal? Baka mamaya may gawin na naman silang masama sa akin...
"I know it's a sudden blow to you. We'll not force you if you don't want to. We'll give you time to think." sabi ni Aeron. "But before that... Clean our room first. It's kinda messy."
Tumingin ako sa kanya ng masama. Kaya ba nila ako pinapunta dito para paglinisin? Umiinit ang dugo ko sa kanila!
"Chill Jaycee. I'm just kidding. Hahaha!" Ang lakas talaga ng tama ni Aeron. Seryoso na yung atmosphere tapos bigla bigla na lang siyang magbibiro. Iba din tsss...
"Stop fooling around Aeron." Tumigil sa pagtawa si Aeron at biglang nag seryoso ang mukha niya real quick.
"Though you're an ugly nerd. There's something about you that we wannamake friends with you." sabi ni Aeron.
"O-kay? I'll take that as a compliment." Ayos din siyang magseryoso ah. Nangiinsulto. "I'll think about it. After all you have done, I don't know if I can trust you both."
Nagtinginan silang dalawa. Para bang nagkakaintindihan sila sa mga tinginan nila. Baka may ganung power ang mga kambal? Kayang makipagusap gamit ang mga mata? Hehehehe.
Nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari. Lumuhod silqng dalawa sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala.
The Twins..
James Yuan Smith and Aeron Yuan Smith....
Sons of the owner of the university where I am currently studying....
Are infront of me....
Kneeling....
Apologizing....
"We're so sorry Jaycee..." sabay na sabi nila. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magagawa nila to. Lalong lalo na sa akin.
"Please Jaycee... Forgive us." Seryoso pa rin si James.
"Please...." nag puppy eyes si Aeron.
Nagbuntong hininga ako. Hindi ko maipagkakaila na.... Yaaaah! Ang cute ni Aeron!!!! Hihihihi.
Inilahad ko ang dalawa kong kamay sa harapan nila.
"Hindi pa kayo nag so-sorry ay napatawad ko na kayo." Kinuha nila ang kamay ko at tumayo.
BINABASA MO ANG
The Twin's Nerd ✔ (Completed)
RomanceSi Jaycee De Vera ay isang simpleng estudyante na ang hangad lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap sa buhay. Isa siyang transferee third year college at J&A University. Mahirap man siya ay hindi iyon naging hadlang upang m...