Chapter 31

1.2K 79 4
                                    

VOTE AND COMMENT!

SINO MAS GUSTO NIYO? JAMES AND JAYCEE/DIANE OR AERON AND JAYCEE/DIANE?

****************
Chapter 21

Jaycee's POV

"Baby girl. I'll pick you up later." He said and walk his way to his building.

Four more days na lang and birthday ko na. Excited na akong icelebrate and birthday ko kasama ang aking mga magulang.

Tito Rick- my Dad- still not used to call him that- will be coming home here in the Philippines from the US. This is the first time I'll be meeting him in person. Kaya susunduin namin siya mamaya.

Pumasok na ako sa room ko. Wala ang kambal dito. Hindi ko ba alam kung matutuwa ba ako kasi wala ang makukulit kong katabi o maiinis kasi hindi na naman sila umaattend ng klase. Bahala sila sa buhay nila. Matatalino na naman ang mga yun.

Wala naman masyadong nangyari ngayong araw na 'to. Sa totoo lang natupad yata ang aking hiling na makapagpahinga ako kahit sandali lang. Buong araw wala ang kambal para kulitin ako. Kaya eto tahimik ang araw ko.

Mas pinili ko munang makapag-isa ngayon. Hindi muna ako sumasama sa dalawa kong kaibigan na mukhang may LQ na naman. Cute talaga nila together. *Q*

Si Kelvin naman ay madalas kong nakikitang nakatingin sa akin sa malayo. Pati rin siya ay hindi ko na rin maintindihan. Parang gusto niya akong lapitan at kausapin pero sa tuwing hahakbang pa lang ako ng isa palapit sa kanya ay tumatalikod na siya at umaalis.

Pumunta ako sa building ni Red at naghintay sa labas ng room niya. Maagang natapos ang klase ko ngayon kaya siya naman ang hihintayin ko. Ang sweet ko talagang kapatid hahaha.

Kalahating oras akong nakatambay sa labas ng room niya. Wala akong ibang ginagawa kundi ang paglaruan ang phone ko. Naglalaro ako ng Zombie Tsunami hehehe. Nakakaloka talaga! Nakakaduling pala ang laro na 'to. 84 brains na yung nakakain ko ng biglang mamatay yung natatanging zombie ko dahil sa sobrang daming bomba na nakahelera.

"Aish! Ang daya naman ng laro na 'to!" Sabi ko at naglaro ulit.

"Anong ginagawa mo dyan?" Sa sobrang gulat ay muntik ko ng maihagis ang phone ko.

"Leche ka Red! Ginulat mo ako!" Sabi ko at tumayo na.

"Sabi ko ako ang kakaon sayo. Haays... Hard headed... Tss.."

"Eh sa maagang natapos ang klase ko eh. Ayaw mo pa? May dyosa na kanina pang naghihintay at kakaon sayo? Choosy mo ha." Ngumiti ako at kinindatan siya.

Nakakaagaw pansin na rin kami ng mga estudyanteng dumadaan. Pake nila? Inggit lang sila sa maganda naming mukha eh! Hahahaha char! Dyosa ko daw kasi haha char lang ulit.

"Oo na lang. Let's go? Uwi pa tayo sa bahay." Nag nod ako at automatic na umakbay na naman siya sa akin.

"Meron talagang something sa dalawang 'yun"

"Ano pa ba? They're both ulzzang at highest ranking. Hindi talaga malabong magkaroon sila ng something."

"Grabe! Nakakainggit na talaga si Jaycee!"

"Okay na ako na seatmate ko si Red hihihi."

Natatawa ako sa mga naririnig kong bulungan. Grabe talaga silang mag isip no? Hahaha ayos na rin kesa naman sa mga bash at negatives comments na naririnig ko sa building namin. Yung totoo kasi nito ay noong nagpaulan si God ng matatalas ang bibig ay sinalo ng building namin ang 50% kaya ayun maraming masasamang bibig ang napunta sa amin hahaha. Yan talaga ang totoong nangyari haha.

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon