CHAPTER 17

1.6K 98 11
                                    

[A/N] Dahil birthday ko ngayon mag uupdate na ako hehehe. Sorry for the long wait. By the way, Pasko na bukas! ADVANCE MERRY CHRISTMAS TO YOU ALL.
_____________

Aeron's POV

"You burned it again?" sabi ni James ng maamoy niya ang amoy sunog na niluluto ko.

"You know I'm not good at cooking, James. C'mon what do you expect from me?" Kinamot ko ang likod ng ulo ko at tumawa.

"Aeron pancake lang yan." pokerface na sabi niya.

"I know it's just a pancake. I'm not stupid." Inahon ko sa frying pan yung nasunog kong pancake at itinapon sa trashcan. That was the last one. I wasted it all. *pouts*

" Step aside. Jaycee will wake up any minute now and we still don't have anything for breakfast thanks to you, moron." kinuha niya sa akin ang suot kong apron at isinuot sa kanya. Umupo ako sa stool at pinanood si James.

Kumuha siya ng malaking bowl at iba pang gamit sa paggawa ng pancake. Ibinuhos niya yung pancake powder at nilagyan niya ito ng itlog at tubig at hinalo niya ito like a pro. Okay, siya na nga yung expert sa kusina. Pancake lang naman yan eh hmmp!

Wala pang 20 minutes ay natapos na siya sa pagluluto ng pancake. Tiningnan ko ang relo ko para tingnan kung anong oras na. 7:15 am ang alis namin pabalik sa J&A University and it's already 5:25 am.

Matapos ang paguusap namin ni James kanina ay naisipan naming ipagluto si Jaycee ng breakfast. But it turned out that I was just a mess in the kitchen. I never ever tried cooking before. I don't have any experience. Actually it was my first time but it turned out in to a disaster.

"Aerooonnn!!!" muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. Lumingon ako sa may pinto ng kusina at nakita si Jaycee na may drawing pa rin sa kanyang mukha. I'm dead. Ngumiti ako sa kanya na parang wala akong ginawang kasalanan sa kanya.

"Good morning, Jaycee. How was your sleep?" tanong ko habang nakangiti pa rin.

"Ginagalit mo ba ako? Bakit mo dinrawingan ang mukha ko!?" galit na galit na sabi niya. Nagpipigil na ako ng tawa dahil namumula na siya sa galit. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang baba niya at iniangat ito ng konti para magtapat ang aming mga mukha.

Namula ako ng marealize ko na sobrang lapit pala ng mukha namin.

"Panget mo." sabi ko kay Jaycee.

"Nahiya naman ako sayo. Gwapo mo!" Inalis ni Jaycee yung kamay ko sa baba niya .

"Ahemm.." nag fake cough si James kaya napatingin kami ni Jaycee sa kanya.

"Nandyan ka pala James. Good morning." Ngumiti si Jaycee kay James.

"Good morning Jaycee. Let's eat." Humila ng isang upuan si James. "Sit here next to me." Tumingin sa akin si Jaycee at siniringan ako at saka pa umupo sa tabi ni James.

What the? Hinila ko yung isang upuan at nilagay sa tabi ni Jaycee. Tiningnan ko ng masama si James pero nag smirk lang siya sa akin.

"Jaycee, let's get rid of that drawing on your face first." tumango ng nakangiti si Jaycee kay James. Kumuha ng towel at alcohol si James sa may cabinet. Inikot niya ang upuan ni Jaycee para magkaharapan sila.

Tssk! That bastard! Babawi ako.

Nilagyan ni James ng alcohol yung towel. Hinawakan niya ang mukha ni Jaycee at iniangat ito ng konti at saka pa niya pinunasan ng dahan dahan ang mukha ni Jaycee.

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon