VOTE AND COMMENT
*********
Jaycee's POV
"I better go."
"Don't you wanna play hide 'n seek with us?" sabay na sabi ni James at Aeron with matching puppy eyes. Para akong tangang nanlaki ang mata.
Eh? Hide 'n seek? Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pa naman kung ano na ang gagawin nila sa akin.
"We hide and you seek. If you find us in just 30 minutes we'll treat you tomorrow." hindi pa ako nakaka-oo ay tumakbo na sila.
"Hey don't look! Start counting one to Thirty!" sigaw ni Aeron. Tumalikod ako at nagsimula ng magbilang. This is ridiculous. Ang laki ng bahay nila at imposibleng mahanap ko sila sa loob ng 30 minutes. Ang daming possible hide out dito. And I don't even know the place.
Matapos magbilang ay nagtungo ako sa direksyon kung saan sila tumakbo. Nalaglag ang panga ko ng makita ang mataas na hagdan. Wala bang elevator? Ayoko pa namang umaakyat sa mataas na hagdan.
Tamad akong umakyat sa hagdan. May nakita akong apat na kwarto dun at sa may bandang gilid ay may papasok pa. Una akong pumasok sa unang kwarto. Malaki at malawak ang loob ng kwarto at pink ang motif nito. Iginala ko ang paningin ko baka sakaling makita ko sila dito. Binuksan ko ang malaking wardrobe at bumungad ang magaganda at mamahaling mga damit. Biglang bumukas yung pinto sa bandang huli. Lumabas si Dyca dun na may towel sa kanyang buhok.
"Jaycee!" Sabi ni Dyca. "Why are you here?"
"Hinahanap ko kasi sina James and Aeron. I thought they might be hiding here hehehe. Sorry. Lalabas na ako." sabi ko at nagtatakbo na palabas. Nagpunas ako ng pawis sa noo ko. Binuksan ko naman yung sumunod na kwarto. Sinilip ko lang yun at mukhang wala naman sila dito kaya sinara ko na. Sumunod naman yung pangatlong room. Blue and motif nito. Pumasok ako sa loob at nagsimulang maghanap. Kwarto ata 'to ni James.
Tiningnan ko na halos lahat ng sulok ng kwarto pero hindi ko pa rin sila nakikita. Tiningnan ko yung ilalim ng kama at wala talaga. Pero may nakita akong isang box. At dahil mabait ako ay hindi ko na yun pinakailaman. Tumayo na ako at palabas na ng kwarto pero curiosity attacks! Pumasok ulit ako at ni-lock muna yung pinto. Baka may makakita sa akin hehehe.
Kinuha ko yung box sa ilalim ng kama at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang maraming magazine. Nag poker face lang ako.
"Why did I ever bother." Ipinasok ko na ulit sa loob ng box yung magazine na may mga nakahubad na babae. Ibabalik ko na sa linagkunan ko pero aksidente ko itong nabitawan at nahulog lahat ng laman.
Agad ko iyong pinulot at inayos. Napatigil ako ng may makita akong banner ata yun na nakatiklop. Kinuha ko yun at binuklat. Nanlaki ang mata ko. Isa iyong larawan ng isang babaeng napakaganda.
Nabitawan ko yung banner ng biglang may kumatok. Agad kong inayos yung magazine at ibinalik na ulit sa ilalim ng kama.
Binuksan ko yung pinto at isang katulong lang pala. Ngumiti ako sa kanya at lumabas na. Pumasok naman ako sa last na kwarto. Gray naman ang motif nito. Kay Aeron naman ata 'tong kwarto. Pagpasok mo pa lang ay makikita mo na agad ang mga poster na nakadikit sa pader. Pero maganda pa ring tingnan. Puro picture nung magandang babae na nakita ko sa ilalim ng kama kanina ni James.
Lumabas na ako ng kwarto ni Aeron at bumaba na. Bahala sila. Ang hirap kayang maghanap. Bumalik ako sa living room at nadatnang nagtatawanan sina James at Aeron.
"What took you so long." tumawa si Aeron. Siniringan ko lang sila. Nandito lang pala sila tss .
"Okay I'm leaving now." tumalikod na ako at naglakad na paalis.
BINABASA MO ANG
The Twin's Nerd ✔ (Completed)
RomanceSi Jaycee De Vera ay isang simpleng estudyante na ang hangad lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap sa buhay. Isa siyang transferee third year college at J&A University. Mahirap man siya ay hindi iyon naging hadlang upang m...