Chapter 30

1.3K 75 5
                                    

VOTE!!!

And also leave a COMMENT. I want to know if the flow of my story is good. I need some motivation ppl to finish this story.

******************
Chapter 20

Jaycee's POV

I locked my room ng makalabas ako. It's just 5:30 in the morning. And before the clock hits 6 ay kailangang nasa meeting place na kami ng mga staff ko.

Hinila ko pababa ang aking maleta at pinuwesto iyon sa tabi ng pintuan.

Syempre kailangan ko munang magbreakfast. Hindi kaya ako kumain kagabi. :<

Nagpalaman lang ako ng tinapay at yun lang ang kinain. Time check: 5:48 am.

Tumayo na ako at kinuha na ang aking maleta. Saktong pagkabukas ko ay may lalaki sa harapan ko na ilulusot na sana yung susi sa doorknob para buksan. Syempre nagulat ako. Nakatungo siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Sino ka?" Natutuliro kong tanong. Unti unti niyang inangat ang ulo niya hanggang sa makita ko ang kanyang mukha.

"Black?" Sabi ko.

"Miss me baby girl?" Nginitian niya ako at kinindatan. "Love my new look?" Tumawa siya ng mahina.

"You dyed your hair black. Ibig sabihin ba nito black na ang name mo?"

"HA-HA-HA. Not funny. I didn't named myself Red just because of my hair you know." Ginulo niya ang aking buhok gamit ang kamay niya. Naagaw naman ng maletang hawak ko ang pansin niya. "Where you off to? Maglalayas ka na ba? Sama mo naman ako."

"Gago! Kotongan kita dyan eh. May photo shoot ako sa Batangas. At anong sama ka dyan? Aabsent ka?" Nagpameywang ako.

"Pwede. Let's go?" Ngumisi siya at saka niya ako hinila palabas ng bahay.

"Wait! Lock ko muna yung pinto." Hinila ko ang kamay ko sa kanya at bumalik sa pinto para ilock.

"Bakit mo pa ilo-lock? Nasa loob naman si Kelv." Tanong ni Black-- err Red. Hahaha.

"Wala siya dito." Malamig kong sabi habang nilolock ko ang pinto. Nang mailock ko na ay tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit. "Let's go!"

.

6:05 am na nung makarating ako sa meeting place. Late na naman ako ng five minutes.

Pumasok na ako sa loob ng coffee shop. Nakasunod lang sa akin si Red. Nakikita ko na si Drex na nakakunot na naman ang mukha.

Lumapit ako sa kanya.

"Lat-"

"Late na naman ako. I know." Sabi ko. Alam ko na naman kung ano ang sasabihin niya eh. "Five minutes lang naman eh. Dapat nga matuwa ka pa. Nag iimprove na ako hahaha."

"Whatever." Tumayo siya. "Samantha has arrived. Let's get our ass moving." Anunsyo niya sa mga staff members na nagsitayuan na at nagsilabasan na ng coffee shop.

Napatingin naman si Drex sa lalaking nasa likuran ko.

"You even bother bringing company. Nice. My name is Drex. What's yours?" Tanong ni Drex kay Red at naglahad ng kamay. Natawa naman ako sa tanong niya.

"Dane Radcliffe. Also known as Red." Ngumisi si Red at kinuha ang kamay ni Drex para makipag shake hands. Tumingin ako kay Drex na tila parang may iniisip. Nagpipigil na ako ng tawa ng bigla siyang may mahinuha.

"Red? The Red? Rank #02 Ulzzang?" Gulat at hindi makapaniwala. "That's why you look familiar. I'm sorry for not recognizing you earlier." Natawa naman si Red sa naging reaction ni Drex. "You dyed your hair. Black na ba ang name mo?" Tumawa naman si Drex sa sinabi niya.

Napatingin naman ako kay Red at tumawa.

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon