Chapter 2

2.3K 118 15
                                    


Jaycee's POV

"What the—?" Naglakad ako papunta sa upuan ko at nadatnan ang mga gamit kong nakakalat at ang ilang mga notebooks na sira sira. Tumingin ako sa bandang kaliwa  at nakita ko ang kambal na naka smirk.

"Anong ginagawa niyo dito!?" Sigaw ko sa kambal na agad namang nakakuha ng attention ng lahat. Biglang nag-init ang pisngi ko sa hiya pero binalewala ko na lang.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong nung isa sa kambal. Hindi ko alam kung anong pangalan niya.

Nag-init bigla ang ulo ko. Aarrgh!!! Akala ko tatahimik na ang buhay ko dito sa bagong school na 'to but I think it will be the opposite of that.

"It's simply because dito ang building and room ko. State the obvious, idiots!" Mataray kong sagot.

"Same thing to you, bird brain." malamig at seryosong sabi nung isang kambal.  "You know for an ugly nerd like you, matuto kang lumugar." at lumabas siya ng room.

"Wait for me, James!" lumabas na rin yung isa. Mag kambal talaga sila. Identical. Not only the face but also the attitude.

Niligpit ko na ang gamit ko at umupo na. Sana matapos na ang araw na 'to. First day of school in my new school and I have to encounter all of this? What a luck?

I heard the bell rang. Ibig sabihin time na. At ibig sabihin lang nun ay uwian na! Hindi ako nakaattend ng first three subject ko ngayong afternoon class dahil 3hrs pala akong nasa clinic at kasalanan yun ng kambal. And worst, classmate ko pa ata sila. Heuheuheu kill me now!

"That was some guts you have there, Jaycee." she cling her arms into mine. "Na sinigawan mo sa harap ng buong klase ang kambal. No one ever have the guts to do that. Just you." sabi niya na parang hindi talaga siya makapaniwala.

"Bakit parang hindi ka makapaniwala na nagawa ko 'yun, Stephanie? Sino ba sila sa tingin nila?" masungit kong tanong.

"Hmmm... Aside from gwapo sila, every girls dream and mayaman. Well masungit sila, masama ang ugali, bully, and ahmm... They're the son of the owner of this school." Hindi ko alam kung ilang beses ko na 'to nagawa pero my jaw dropped.

Anak ng may-ari ng school? Jaycee... what have you done? Wala ka pang isang linggo sa pinapasukan mo ma ki-kick out ka na agad. May balat ba ako sa pwet at minamalas ako ng ganito ngayon? Arrgh!!!

Nilakad ko na ang daan pauwi sa bahay. House 124. Hindi naman ganun kalayo sa school. Walking distance lang. Kaya siguro require ang tumira dito para walang malate or hindi mahirap umuwi.

I opened the door at bumungad sa akin ang madilim na salas. Hindi pa ata nakakauwi si Kelvin. Maaga pa naman. Siguro bumabarkada pa 'yun. Umakyat ako sa taas at nagderetso sa banyo ng kwarto ko para maligo. I hope tomorrow will not be the same as today. Pinatuyo ko na ang sarili ko gamit ang towel at lumabas na. Nagsuot lang ako ng simpleng short at XL t-shirt.

Bumaba na ako para magluto ng hapunan. Nakakahiya naman kung si Kelvin na lang palagi ang magluluto. Binuksan ko ang refrigerator at tiningnan kung ano ba ang pwede kong lutuin. Chicken. Ano bang pwedeng lutuin sa chicken na alam ko? Waaah! Heuheuheu. Prito lang naman ang alam kong lutuin eh. Okay na naman siguro yun kesa sa wala diba?

Kinuha ko ang manok at nilagyan ng breading. Binuksan ko ang apoy sa kalan para maiinit na ang mantika sa loob ng frying pan. Nilagay ko na yung manok at hinayaang maluto. Kinuha ko yung rice cooker at nilagyan ng bigas at hinugasan at niluto ko na din.

Habang naghihintay maluto ang mga niluluto ko ay kinuha ko ang phone ko. Tiningnan ko ang mga notes na naka-save don at ang mga pictures ko. I hope no one finds out what my secret is. Not until I graduate.

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon