Chapter 22

1.5K 82 8
                                    

Jaycee's POV

Ang sakit sa ulo. Ang sakit nila sa ulo. Konti na lang maduduling na ako sa pinaggagagawa ng kambal na 'to. Kanina pa silang nagpapasahan ng bola sa gilid ko. Napapaggitnaan pa naman nila ako.

"Hindi ba kayo titigil? Nagkaklase si prof uy!" pabulong na saway ko sa kanila. "Hindi ako makapag concentrate!" Tumigil sa pagbato ng bola si Aeron. Tumingin silang dalawa sa akin. Ngumisi lang silang dalawa at nagpatuloy ulit sa ginagawa nila.

"Aish! Ewan ko sa inyo! Para kayong bata tss..." Nagpahalumbaba lang ako habang walang kagana-ganang nakinig sa lecture ng prof namin. Wala naman akong maintindihan eh!

Nagulat ako hindi lang pala ako kundi ang lahat ng biglang binato ni Aeron yung bolang hawak niya sa harap at tumama iyon sa whiteboard.

"M-Mr. Smith! What's the meaning of this?" Hindi ko mawari kung galit si Prof kay Aeron o siya pa yung nasisindak kay Aeron.
Biglang tumayo si James. Nasa kanya na ang buong atensyon ng lahat.

"Sorry for the bad behaviour of my twin but I have to say that it's already time for our next subject." sarcastic na sabi ni James kay Prof. Tumingin si prof sa kaniyang relo.

"R-Right. It's already time. Class dismissed." Lumabas na si Prof na medyo nangangatal ang tuhod.

"Haaayss.... As expected...." mahina kong sabi na halos ako lang ang nakakarinig .

"May sinasabi ka?" tanong ni James. Ngumiti lang ako sa kanya ng malapad at inayos na ang mga gamit ko.

"Tara na sa gymnasium. Magsisimula na ang P.E natin. " Naglakad na ako palabas ng room.

Nagtungo muna ako sa locker room para magpalit ng pe uniform ko. Kinuha ko ang phone ko at chineck kung may nag message or tumawag ba. Hindi ako nagkamali at may nagmessage nga. Tiningnan ko kung sino iyon.

From: Kelvin

Jaycee, did you eat well? Sorry for being absent yesterday and today. There's no Kelvin to cook for you. I just got some family issues here. Don't worry about me. Just checking on how you doing. Take care. <3

Kinilig naman ako sa heart niya lol! Wait. What? Kahapon pa siyang wala? Hindi ko napansin! Kaya pala hindi ko pa siya nakikita after Brian's birthday. I feel bad that time though. I feel like I've been rude to him. But I don't want others to know na close kami. Issue pa! Tsss....

Agad ko siyang nireplyan. Hindi ko muna sasabihin sa kanya ang nangyari. Ayokong dumagdag pa sa problema niya. And I think he doesn't know it yet. Wala pa sigurong nagsasabi sa kanya kahit na ang mga kaibigan niya ang tungkol sa nangyari.

Inilagay ko sa loob ng locker ko ang phone ko at lumabas na. Tumakbo na ako patungo sa gymnasium. I feel awkward kasi habang tumatakbo ako ay may mga camera na nagfaflash sa akin. Ganun na ba sila ka huge fan ko? Gosh! I didn't know!

Rare lang maglabas ng mga bagong magazine at pictures ko ang kompanya na pinapasukan ko kasi hindi naman kasi ako ganun kasipag sa trabaho ko. Whenever I feel like it lang. Minsan lang din naman ako lumabas sa mga shows as guest because I don't really like exposures.

Pumasok na ako sa loob at nakita ang mga classmate kong lalaki na naglalaro ng basketball sa court. At yung ibang babae naman ay nakaupo lang at nanonood at yung iba sa kabilang court nanonood. Medyo nagkakagulo pa nga sila. Ano bang meron dun?

Pumunta ako sa kabilang court at sumilip. Kaya naman pala tsss....

"Kyaaaaaaaaaaah!!!!!" hiyaw ng mga babae.

Sino ba namang babae ang hindi makikipagsiksikan para lang makita ang kambal na naka sando na lang na expose na expose ang kanilang masculine biceps... Eeekk! Dagdag mo pa yung gulo at basa na ng pawis na buhok nila. Ang hot nila! Shets lang! Crush ko na sila! Whahahaha... Landi naman dis girl! Hahahaha.

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon