A/N: Ine-edit ko po ang story. From Jaycee being a Grade 9 student into a BSBA third year student at ang iba pang characters. Yun lang :)
-----------------
Kelvin's POV"I'm so exhausted!" inihagis ko ang sarili ko sa kama ko at ipinikit ang mga mata. Wala pa akong tulog at sumasakit na ang ulo ko.
*Knocking*
"Kelvin Raze! Open the door!" itinakip ko ang unan ko sa mukha ko at pilit na matulog. Wala pang 5 minutes akong nakahiga tss... "Kelvin! Dad will kill me if I didn't go fetch you, you know!"
"Damn this life!" naiinis akong bumangon at busangot na binuksan ang pinto ng kwarto ko. "What the fuck is he want this time?"
"Ohh gloomy..." tumawa siya ng mahina pero pinandilatan ko siya ng mata.
"Just speak, Joanna Amor." tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Kailangan sabihin ang buong pangalan, Kelvin Raze?" masungit niyang sinabi.
"Sabihin mo na lang tsss..." sobrang bored kong sabi. Naghikab ako dulot ng pagkaantok.
"Dad wants you in his office. I think he wants to introduce you with someone." nagkibit balikat siya.
"Is that all?" nag nod lang si Joanna. Tumalikod na siya at nagsimula ng umalis. "Hey!" lumingon siya sa akin.
"What?"
"Remember, I'm still your older brother tss... Usong gamitin ang salitang kuya." Tumawa lang siya at nagtatakbo na paalis sa harapan ko. Haaays... Sinarado ko na ang pinto ko at nagpalit ng damit.
Nagsuot ako ng semi formal attire. I hate getting involve with business. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko and done!
Naglakad na ako patungo sa office ni Dad. I knocked three times before opening the door.
Bumungad sa akin ang dalawang taong nakatalikod sa akin at si Dad na nakikipagusap sa kanila. Pumasok ako sa loob at agad naman akong napansin ni Dad.
"Perfect timing, son." bati sa akin ni dad. Nag nod lang ako at lumapit sa kanila. Humarap ako sa dalawang bisita ni dad at nagpakilala.
"I'm Henry's son, Kelvin Raze Beethoven." kinamayan ko silang dalawa.
"You made a fine man, Henry." sabi nung babae. Bumalik ang tingin niya sa akin. "I'm Dolores Santiago. And this is my husband-"
"-Vince Santiago." pakilala nung lalaki. Tumango na lang ako sa kanila.
"Be seated, son." sabi ni dad na sinunod ko naman.
"How's my proposal?" tanong ni dad.
Pssh... Proposal daw? Tss... Ilang beses ko na ba 'to napagdaanan?
"Sounds fine to me. If it worked out great we'll accept the arrange marriage for the sake of our company and my daughter." sabi ni Mr. Santiago.
"You made a wonderful decision, Mr. Santiago." ngumiti si Dad. Wala akong ni-react. I've been through this situation countless of times. Ano pa bang bago?
Umalis na ang mag asawang Santiago at kami na lang ni Dad ang naiwan. Bumalik ang normal na aura ni Dad.
"Don't disappoint me this time, Kelvin. Santiago company is a big deal. It will help and support our company." he said in a monotone.
"Your company, dad." walang gana kong sabi sa kanya. Paulit ulit na lang na linya.
"You're the heir of the family. Don't be such a stubborn brat. Listen to what your father is saying." ma-awtoridad niyang sabi. "This is the last chance I'm giving you to impress me. Date Mr. Santiago's daughter nicely or else." nag iba ang aura ni Dad. Tumayo ang mga balahibo ko. Mas lalo na siyang nakakatakot. "You may leave." Tumayo ako at nag bow sa kanya at umalis na.
BINABASA MO ANG
The Twin's Nerd ✔ (Completed)
RomanceSi Jaycee De Vera ay isang simpleng estudyante na ang hangad lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap sa buhay. Isa siyang transferee third year college at J&A University. Mahirap man siya ay hindi iyon naging hadlang upang m...