Chapter 8

1.7K 97 15
                                    

Kelvin's POV

Maaga akong bumangon para maghanda ng breakfast namin ni Jaycee. Naging habit ko na rin ang ipagluto at ang kasabay siyang kumain. 6:02 am pa lang.

Bumaba na ako at nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha ang bacon, hotdog and egg. Yun na lang yung laman ng ref namin kaya kailangan ko ng mag grocery.

Binuksan ko ang stove at naglagay ng frying pan na may mantika. Una kong pinrito ang itlog. Then yung bacon and hotdog naman.

Matapos maluto ay nagluto naman ako ng fried rice. Puro prito ang agahan namin ngayon hehehe. Habang hinihintay maluto ang fried rice ay naisipan kong buksan muna ang facebook ko.

Bumungad agad sa news feed ko ang naging laro namin kahapon. Scroll down lang ako ng scroll down ng may mahagip akong picture.

Picture namin ni Jaycee na magkaakbay. Ang laki ng ngiti niya. Pinagmasdan ko yun ng mabuti. Nanlaki ang mga mata ko ng nahagip pala dun yung kambal. Ang sama ng tingin nila. Lagi namang masama silang tumingin. Ano pa bang bago dun?

Sinearch ko yung facebook ni Jaycee. Hindi pa nga pala kami friends nun. Nang mahanap ko ang pangalan niya ay nagulat ako kasi nakapagsend na pala ako ng friend request sa kanya. Medyo mahirap hanapin ang facebook niya.

Tiningnan ko yung wall niya. Nung vacation pa siya last nag post. Hindi ata siya mahilig mag facebook.

Bumalik ako sa news feed at nakita ang post ni Stephanie na naka-tag kay Jaycee. Napataas ang isa kong kilay. Pinindot ko yung pangalan niya at tiningnan ang wall niya. Mukhang bagong gawa lang yung facebook niya. Nagsend na rin ako sa kanya ng friend request.

Pinatay ko ang stove at hinain na sa mesa. 6:43 am na. Bumalik ako sa kwarto ko at naligo.

Nakapikit ako habang naliligo sa ilalim ng shower.

"Jaycee.... Why would you hide your secret?" nakakapagtaka lang talaga. Kakaiba siya. If she's someone else, she would not definitely hide it. But if she wants to hide it, it's not my secret to tell.

Lumabas na ako ng banyo at nagpatuyo na. Sinuot ko ang uniform ko at lumabas na. I didn't bother brushing my hair. Mas gwapo daw ako pag messy hair. *smirk*

Pababa na sana ako ng hagdan ng maisipan ko na baka natutulog pa si Jaycee hanggang ngayon. This past few days kasi lagi na lang siyang nalalate pumasok.

Kumatok ako sa kwarto niya pero walang naimik kaya naisipan ko ng buksan ang pinto kasi baka nga natutulog pa siya.

Pag pasok ko ay nakita kong wala siya sa kama. Kasabay nun ang pagbukas ng banyo at lumabas si Jaycee na nakatapis lang ng tuwalya... Ang sexy niya... Ano daw?

Tumalikod agad ako. Ano ba tong iniisip ko?

"Waaaaaah!-" Napasigaw si Jaycee ng makita niya ako. "A-Anong g-ginagawa mo dito?"

"S-Sorry... Akala ko kasi tulog ka pa kaya balak ko sanang gisingin kita." ramdam ko ang pagkapula ng mukha ko.

"S-Sige. Labas na ako." agad na akong lumabas at nagtungo sa kusina.

Huminga ako ng malalim. Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kumuha ako ng tubig at ininom yun.

Ilang minuto lang ay bumaba na si Jaycee. Tumingin siya sa akin pero umiwas din agad. Namumula siya.

Nagsimula na kaming kumain. Hindi siya makatingin sa akin. Hindi ko naman siya masisisi... Bakit kasi naisipan ko pang pumunta sa kwarto niya?! Tumigil ako sa pagkain.

"Jaycee..."

"B-Bakit?!" gulat na gulat niyang sabi. Ang awkward ng atmosphere namin.

"Hindi ko talaga sinasadya na makita kang naka- basta I'm so sorry. Hindi na talaga mauulit."

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon