Chapter 34

1.1K 59 8
                                    

VOTE AND COMMENT
**************
Chapter 34

Jaycee's POV

*knocking*

"Diane wake up! It's already late. Hindi ka ba papasok?"

"Diane? Bubuksan ko ang pinto."

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko pinansin. I'm so sleepy pa talaga. 4 ata ako nakatulog at ayaw pa talaga mumulat ang aking mga mata.

"Diane..." Naramdaman kong may mahinang humahampas sa tagiliran ko.

"I'm still sleepy Mom." Ungol ko at bumaling sa kabilang direksyon at nagtakip ng kumot hanggang ulo.

"Okay baby. I'll call your adviser that you wont be going to school today." Hindi na ako nagsalita at bumalik ulit sa aking pagkakatulog.

.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na.

"Seryoso 1 pm na?" Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo at naligo. Nakaramdam ako ng kalam ng sikmura kaya naman ay bumaba ako sa kusina para maghanap ng makakain.

Walang katao tao sa bahay. May inaasikaso ata sila para sa debut ko para bukas.

Habang papunta ako sa kusina ay may nakita akong tatlong maliit na pink envelope sa may maliit na table sa tabi ng hagdan. This must be my invitation card.

I felt my phone vibrate kaya naman ay kinuha ko iyon. A text from Red.

I already distributed your invitation card to your classmates and to your company, sleepy head.

Natawa na lang ako sa text niya. Ang sweet talaga niya ever.

To Kuya Red,

Thanks. You're the best.

Itinago ko na ang phone ko sa bulsa ko at napatingin sa tatlong invitation card ng biglang may mapagtanto ako.

Pumasok agad ako sa kusina at kumain ng mabilis.

Lumabas ako ng bahay at nagtawag ng taxi.

Bumaba ako sa J&A Village. Pumunta ako sa House 124. Matagal tagal na akong hindi pumupunta dito at mukhang wala na ngang pumupunta pa dito. Even Kelvin...

Umakyat ako sa taas at inilusot ang isang invitation card sa loob ng kwarto niya.

"Sana talaga matanggap mo 'to." Sabi ko sa sarili ko.

Lumabas na ako at nilock ang pinto. Pumara ulit ako sa ng panibagong taxi at nagtungo sa bahay.... Bahay ni lola....

Ng makarating ako doon ay hindi ako kumatok. Inilusot ko lang ang invitation card sa pinto.

Kahit na masama ang loob ko sa kanya ay naging parte pa rin naman siya ng aking buhay. Nasa kanya na kung pupunta siya o hindi. But I hope she will. I admit it that I miss her na rin...

Pumara naman ako ng tricycle papunta sa bahay nina Tito Lei. Tricycle lang kasi medyo malapit naman. Ng makarating ako ay lumapit ako sa guard na nakatayo sa labas ng gate.

"Kuya. Pabigay naman po ito kina Tito Lei." Sabi ko sa guard. Kinuha naman niya ito at hindi na nagsalita. "Salamat po kuya." Sabi ko at umalis na pabalik ng mansyon.

.

Madaling natapos ang araw na 'to at dumaan na agad ang gabi.

"Diane. You go to sleep na. Baka magpuyat ka na naman. You have a big day tomorrow." Paalala sa akin ni Mom. It's just 6:25 pm at pinapatulog na niya agad ako. OA naman niya. Pero sige na. Susundin ko na.

The Twin's Nerd ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon