Jaycee's POV
"I...." I paused. My whole body is starting to shake. Hindi ko maikalma ang sarili ko. Hinawakan ko ang kamay ko na kanina pang nangangatal. Hindi na rin ako makatayo ng ayos. Nanghihina na ang mga tuhod ko.
"I-I... L..." I gulped and took a deep sigh. "I need to pee... excuse me..." tumalikod ako at nagtatakbo papasok sa kwarto ko. Isinara ko ang pinto at sumandal dun. Hinawakan ko ang kaliwang parte ng dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang anytime ay tatakbo na ito palabas sa sobrang bilis.
"Bakit ka tumakbo Jaycee?" mahinang tanong ko sa sarili. Ipinikit ko ang mga mata ko and cleared my mind. Hinawakan ko ang mga labi ko at inaalala ang mga nangyari. Bigla akong namula. "I kissed him! I kissed him first!" biglang bumalik sa sistema ko ang ginawa kong kahihiyan. Ako yung unang humalik! "Huhuhu! Ano kaya ang iisipin niya? Na desperada ako sa kanya? Ganun? Huhuhuhu!"
I slapped my both cheeks with my palms twice. Para na akong baliw dito na kinakausap ang sarili ko. "Get a grief of yourself, Jaycee!" huminga ako ng malalim. "But still...." ipinikit ko ulit ang mga mata ko at ipinatong ang ulo ko sa dalawa kong tuhod. I opened my eyes and caressed my lips gently. "He said those words. Words that is hard to believe. That it wasn't real enough for me to say I love him too." A tear fell down to my cheek.
" I don't really know how I really feel about him. I'm not quite sure yet." tumawa ako ng mahina. Baliw na ata ako. Tumatawa ako habang umiiyak. "Who am I fooling? I guess I'm just too weak and scared to take the risks." Mas lalo akong naiyak. "I-I'm scared *sobs* I'm s-scared that I may fall in love with him even more." pinunasan ko ang mga luha ko. "I-I'm scared for myself. I don't want to get hurt and yet I can't stop loving him." I've already seen lola devastated for loving a guy too much. And I don't want the same thing happen to me.
"I don't really know what to do..."
.
Ang sakit ng ulo ko. Dalawang gabi na rin akong hindi nakakatulog ng maaayos. Ang laki na ng eyebags ko. Wala pa ako sa wisyo. In short, bangag. Nakakaramdam na ako ng antok pero pilit kong iminumulat ang mga mata ko. Kung kailan nasa school saka ako dadalawin ng antok. Kainis naman!
"He's so gwapo talaga!!! Right Jaycee!?" katabi ko si Stephanie. Nandito kami ngayon sa may garden. Nakaupo sa may damuhan. Walang masyadong tao dito at kitang kita mula rito ang malawak na field na kung saan ang mga basketball player ay nagte-training at nagwawarm up. "And they are so hot! Kyaaah!" tumili naman siya. Naka-sando lang kasi yung mga basketball player. And you know what? Team pala yun nina Kelvin. Tumango tango na lang ako sa mga tanong ni Stephanie. Tinaasan niya ako ng kilay at tinitigan.
"You don't look so good. Ang panget mo." May bago pa ba dun? "May lagnat ka ba?" hinawakan niya ang noo ko at chineck kung mainit ba ako. "Wala ka namang lagnat or anything." huminto siya sa pagsasalita at nag-isip. "Don't tell me... Broken hearted ka??!!" bigla kong tinakpan ang bibig niya gamit ang mga kamay ko. Ang OA naman niyang makasigaw. Nag tinginan tuloy sa amin ang ilang taong nakatambay dito.
"Minsan talaga ang iskandalosa mo." sabi ko at naghikab. "It's just lack of sleep. Hindi lang talaga ako makatulog ng maayos." humiga ako sa damuhan at ipinatong ang dalawa kong braso sa noo ko para hindi ako masilaw sa liwanag na dala ng araw. Humikab ulit ako. "I'll just take a quick nap..." ipinikit ko ang mga mata ko at tuluyan ng nakatulog.
.
Lance' POV
Hindi ako makapag-focus sa pagtetraining ko. Pano ba naman kitang kita ko mula dito si Shane na kinikilig at pinagpapantasyahan ako. Ang hirap talagang maging gwapo. *wink*
"Sy! Focus!" napatingin ako kay Kelvin na nakakunot ang mukha. Wala ata sa mood ang fafa Kelvin niyo. May nangyari kaya? Ayaw ko mang magtrain ngayon ay wala akong magagawa kung hindi ang magfocus sa mga pinapagawa ni Kelvin. I hate it when Kelvin is not on his usual self. Ang strict niya.
BINABASA MO ANG
The Twin's Nerd ✔ (Completed)
RomanceSi Jaycee De Vera ay isang simpleng estudyante na ang hangad lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap sa buhay. Isa siyang transferee third year college at J&A University. Mahirap man siya ay hindi iyon naging hadlang upang m...