Jaycee's POV
We're here at the cover court of our village. Kasama ko si Kelvin at ang iba pa niyang ka team mate. Medyo pamilyar sila but I don't know their names.
I'm on my jersey outfit. May practice kasi kami ng basketball and we can't afford to lose. Hindi kami pwedeng makick-out sa school at mawalan ng isa sa magaling na player sa team nina Kelvin.
And this is all my fault. If I should've been so.... aarghh! We have to win! We will win!
"You okay?" tumingin ako sa kaliwa ko. It's Kelvin. Hinawakan niya yung kamay ko na kanina pang hindi mapakali. "Don't worry. We will win." ngumiti siya sa akin. Buti pa siya kalmado lang.
Ngumiti ako sa kanya. Hindi dapat ako kabahan. Marunong ako magbasketball kaya may chance kaming manalo. Kung hindi niyo naitatanong mvp po ako sa former school ko. Gangster eh. *smirk*
"I know." Hinawakan ko yung kamay niya at hinila yun. "Let's start shall we?" I heard him smirk. Omo!!! Ang gwapo niya lalo. That half smile of him makes my butterflies in my tummy go insane.
"Team! Let's go play ball!" Maangas na isinigaw ni Kelvin sa mga kamember niya. Agad naman silang nagsilapitan sa amin.
Ini-assign na ni Kelvin kung sino ang kakampi namin. Me, Kelvin, Jake, Charles and Marco. While sa kabilang team naman ay sina Luis, Paul, Brian, Raven and Axel. Medyo natatandaan ko na ang mga pangalan nila.
Pumwesto na kami at nagready na. May referee din kami para mas maganda. Nag whistle ang referee at inihagis ang bola sa ere. Agad naman iyon nakuha ng kabilang team.
Todo bantay namin ang kabilang team. Nang kay Axel ngayon yung bola. Nag di-dribble lang siya at naghahanap ng mapapasahan. Bantay na bantay namin lahat ng ka team niya.
Habang naghahanap siya ng mapapasahan ay nagawan kong hampasin yung bola at nawala sa kamay ni Axel. Agad ko yun kinuha at dinribble.
Nakita ko si Kelvin na nakangiti sa akin habang naka-thumbs up. Tumakbo ako papalapit sa ring namin. Lahat sila nakabantay. Shit! Anong gagawin ko?
Tumingin ako kay Kelvin pero may humaharang sa kanya. Ganun din sa dalawa ko pang kakampi. Si Jake lang yung open kaya sa kanya ko hinagis.
Agad naman siya nilapitan ng tatlo kaya ibinato niya pabalik sa akin. Dinribble ko ulit ang bola at inayos ang pwesto ko. Naka-pwesto ako ngayon sa 3 points shoot.
Tumingin ulit ako sa mga kakampi ko. Wala ng pag-asa. Huminga ako ng malalim at inihagis na ang bola.
Para bang nag s-slowmo ang nangyayari. Nakikita kong tumatakbo si Kelvin papalapit sa may ring....
Medyo bitin yung hagis ko.... Pero agad yun nakuha ni Kelvin at bigla siyang nag dunk. Waaaaah! May 2 points na kami yaaaah!
Lumapit sa akin si Kelvin at ginulo yung buhok ko. Basang basa na agad ako ng pawis. Medyo matagal na rin akong hindi nakakapaglaro kaya sinasanay ko pa lang ulit ang sarili ko. Wala namang masyadong nagbago. Magaling pa rin ako hahahaha. Nabitin lang talaga yung hagis ko hehehe.
"I didn't know you play basketball." inabutan niya ako ng isang bote ng tubig. Time out daw muna kami hehehe.
"Now you know." sabi ko at uminom ng tubig. Ngayon na lang ulit ako napagod ng ganito. Tumawa siya ng mahina.
"Mukhang magaling kang magbasketball ah." nag smirk siya sa akin. Ngumiti ako.
"Hinahamon mo ba ako, Kelvin Dauntless?" ngumisi ako.
BINABASA MO ANG
The Twin's Nerd ✔ (Completed)
RomanceSi Jaycee De Vera ay isang simpleng estudyante na ang hangad lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap sa buhay. Isa siyang transferee third year college at J&A University. Mahirap man siya ay hindi iyon naging hadlang upang m...