Chapter Twelve

16.2K 309 4
                                    

Sorry for the late and lame update. Pag pasensyahan niyo na po yung nakayanan ko for today. Siningit ko lang to during duty ko. Hihihi.

Ejoy po.

---------------------------------------------

Camille

Maaga akong nagising para mag prepare para sa championship game ni Andy at Dani. Buti na lang talaga at wala na akong exam for today kung hindi mapipilitan ako mag special exam. I never missed a single game of my best friend. After I did my morning rituals ay agad akong bumaba para sa aking breakfast. Tapos isa isang tinawagan ang barkada kung sino sino ang pupunta para ma pa reserve ng upuan. After kong maayos ang lahat I go straight to the venue kung saan gaganapin yung game.

Naabutan kong nag uusap si Dani at Andy. At mukhang seryoso ang pinag uusapan.

"Hey!" Tawag pansin ko sa kanila at sabay naman silang napalingon.

"Good morning Cams!" Nakangiting bati sa akin ng Andy sabay lapit at yumakap sa akin.

"Anong problema?" Tanong ko.

"Masama bang yakapin ang best friend ko?"

"Heh! Tampo tampo ka pa hindi effective." Which makes her laugh.

I look at Dani na naka tingin lang siya sa amin. Actually parang kay Andy.

"Ui Dani!" Tawag ko sa kanya " Alam kong maganda ako hindi mo kailangang matulala."

I hear Andy giggle sa tabi ko.

"Ewan ko sayo!" Sabi niya sabay talikod.

"Problema nun?" Tanong ko

"Hayaan mo na baka kinakabahan." Sabi ni Andy saka inaya na ako sa may locker room nila.

Halos mag sisimula na ang game ng dumating si Megan na halatang antok pa at Jam na may kausap sa phone. Nag text naman si Cassy na susunod after ng exam niya. Pinakilala pala sa akin ni Megan ang new housemate ni Dani na si Angela. Una naming pinanood yung game ni Dani. Magaling yung kalaban niya dahil natalo siya sa 1st set. But knowing Dani the more na magaling yung kalaban niya the more na ginaganahan siya. At ayun nga nanalo siya. Dahil kinuha niya yung 3 set. Isa isa naming binati si Dani. Mag sisimula na yung game ni Andy ng nag ring yung phone.

"YOLO!" Makulit na bati niya when i answered the phone.

"Ate nicole naman."

Then I heard her giggle from the other line. Kahit kelan talaga ang kulit ng kapatid ni Andy.

"Where here na sa venue. Saan kayo?" I ask kung saan sila banda para susunduin ko na lang.

"Hello ate." Sabi ko sabay beso sa kanya. Hindi ko mapigilan na mapa tulala ng makita ko yung kasama niya.

Narinig kong tumatawa si ate nicole kaya napatingin ako sa kanya. Pinigil naman niya yung tawa nung nakita niyang naka tingin ako sa kanya ng masama.

"Naku Alex natulala nanaman sayo itong si Cams."

Ngumiti naman si Ate Alex. Shemay... Nag blush ata ako.. Enebe.. Ang cute cute kasi ni Ate Alex.

"Hoy tara na" aya ni ate Nicole "na ngangamatis ka na dyan oh." Sabi nito saka ako inakbayan.

Saktong pag dating namin ay pasimula na yung game. At ayun agaw atensyon naman yun pag pasok namin. Paano ba naman kasama ko dalawang sikat si Ate Nicole na well known player ng volleyball at syempre ang very cute na si ate Alex na known sa basketball. They both play sa CUSAP. Big organization ng mga colleges and universities sa sports.

"Dapat talaga hindi kita sinama dito Alex."narinig kong sabi ni Ate Nicole ng makaupo kami "tignan mo imbis na manood sila ng game ikaw na lang titignan." Nakita kong tinaasan lang siya ng kilay ni Ate Alex at nag earphone na lang. Kahit kelan talaga si ate Nicole ang lakas mang bully at napaka daldal. Yun ang pag kakaiba nila ni Andy. Si Andy kasi mas gusto yung tahimik lang. plug her earphone on o kaya mag basa ng book.

Martyr's Love (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon