BAKIT DI MO SINABI??

266 13 0
                                        

Kay sarap pakinggan,  ang mga katagang di ko malilimutan
Ang katagang sinambit mo,  nung tayoy na ka upo sa isang upuan
Kay sarap pakinggang,  ang lahat ng mga kailangan kong pakinggan
Kay sarap pakinggan,  ang salitang "MAHAL KITA"
Kay sarap pakinggan,  nung sinabi mong "HINDI MO AKO IIWAN"
Kay sarap pakinggan,  ang mga katagang "DI KA LILISAN"
Kay sarap balikan, nung araw na lumuhod ako sa iyong harapan,
At na ngako ang dalawang pusong nagmamahalan,
At kahit kailan,  ang dalawang itoy hindi magbabago kaylan man.

Dumating ang araw, na aking di inaasahan
Ang araw na akoy, na sa ating tagpuan
Ang araw na aking pinakahihintay,
Pinakahihitay na sambitin ko, ang mga katagang nakabaon dito sa puso ko.
Katagang di maalis-alis dito sa isipan ko
Katagang sa tingin koy, magpapatibay sa ating mainit na puso.
Puso na tayong dalawa ang bumuo
Kay tagal kong hinintay,  ang sarili mo
Sa ating tagpuan ngunit,  hindi ko man lang naramdaman ang presensya mo.
Hindi ko nakita,  ang maganda mong muka, na sa akin ay nagpapasaya

Isang araw, nang pumunta ako sa inyo
Walang tao,  ni isa sa bahay nyo
Hindi ka man lang nagparamdam...
Hindi ka man lang nagtetext...
Hindi ka man lang tumatawag...

Tumawag ang mama mo, kaya nalaman ko.
Na kayo, ay wala na sa lugar na ito
Na kayo, ay lumipat sa ibang bansa para doon magsimula
BAKIT!...
Bakit hindi mo man lang sinabi na ikay aalis at doon mag sisimula
Bakit hindi mo man lang ako kina-usap,  na ikay tuluyan nang mawawala
Bakit ikay nagsawa...

Puso koy hindi pa handa
Puso koy unti-unting nasisira
Puso koy nabigla sa iyong pagkawala
Dahil hindi ko inaasahan na ang lahat ng ating pinagkasunduan ay unti-unting mawawala na parang bula
Na lumilipad sa hangin at sa isang iglap bigla na lang mawawala

Gusto kong balikan,  at pakinggan ang mga katagang,  sa atin ay bumuo at nagkaroon ng laman.
Ngunit kahit kaylan,  di mo na masasambit sa aking harapan
Ang mga salitang gusto kong pakinggang.
BAKIT HINDI MO SINABI sa aking harapan, na ikay mawawala at tuluyan nang lilisan.

Tagalog Spoken PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon