AKALA KO

88 8 0
                                    

Minsan akala ko sapat na,
akala ko okay na,
akala ko tatagal na.
Pero lahat yan isang akala lang pala,
Sariwa't bakas pa saaking isipan kung paano mo ko pinagpalit sa akala kong kaibigan.
Lubos akong nagtiwala na hindi ka gagawa ng kung anong hakbang masira lang ating samahan.

Pero nagkamali ako dahil lahat ng naisip ko'y isang malaking akala lang pala.
Hindi ko lubos maisip kong saan ako nagkulang,
ang tanging alam ko'y binigay ko lahat.
Minahal kita ng buo,
pero iniwa't binasag mo puso kong walang ibang ginawa kundi gustuhing yang tulad mo.

Ibabaon kita sa limot gaya ng pagkabaon ko nung iniwan mo ko.
Walang hiyang akala pinaasa akong matatag tayo.
Walang kwentang akala pinakilig lang ako.
Akala ko'y minsan ikaw ay naging totoo pero lahat ng akala ko'y mananatiling akala lang talaga hanggang dulo.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon