BALANG ARAW

129 11 0
                                    

Isang araw nanabik akong makita ka, makita kang masaya sa piling nya.

Ihahalintulad ko ito sa araw, masakit makita, masakit na madama, ang hirap palang titigan ng araw kapag nagliliwanag na.
Sakit makita, makita na napapangiti kanya, napapangiti at napapatawa .
Kung titignan ko na mang mabuti ang araw , napaka ganda. Napaka gandang pag masdan lalo na't hindi ko nakikita ang bakas ng kalungkutan sa yong maningning na mga mata.
Sakit madama, madama ang init ng inyong pag ibig.
Hinahayaan kong matunaw ako nito.
Hinahayaan kong maging manhid ako.
Hinahayaan kong mapaso ,masugatan at masaktan ako nito.

Sapat na ba ? Sapat bang hayaan kong masaktan lang ako ng ganito?

Siguro.Dahil hinayaan ko lang din naman na masaktan ako ng araw ng Hindi sinasadya.
Oo,dahil wala naman akong ginawang iba .Hinayaan ko lang din namang angkinin ka nya.

Lagi , lagi kong nakikita ang araw,na sa bawat pagsulyap ko rito ay napapahanga parin ako.Sayo.Sayo.

Sayo na itinuturing kong araw ko, na nanatili sa puso at isip ko.
At ngayon .hinihiling ko.
Na BALANG ARAW .
Na BALANG ARAW.
MAGNININGNING KANG KASAMA KO . BALANG ARAW.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon