SALAMAT

87 6 0
                                    

Salamat Pilipinas pagkat ika'y biyaya.
Biyayang binigay ng maykapal sa mga Pilipino.
Mga Pilipinong tulad kong nagpapasalamat sayo.

Salamat sa lahat ng tulong.
Tulong na di kayang pantayan ng kahit na sinong nilalang
Pagkat ipinagkaloob ka sa amin ng Diyos
Ang Diyos na nakatataas sa ating lahat.

Ngunit bakit ka tinatrato na parang ika'y walang silbi?
Bakit kaya iniisip nila na para kang basura?
Isang Basura na mistulang dapat itapon sa tambakan.
Sana maisip nila ang kahalagagan mo bilang isang bansa.

Salamat dahil pinagtitiisan mo kami.
Kami na hindi marunong magpahalaga.
Mga Pilipinong hindi alam ang tunay mong kahalagahan.

Salamat talaga Pilipinas sa kabutihan mo.
Sana lahat ng tao sa buong mundo ay katulad mo.
Katulad mong hindi nang-iiwan kahit nasasaktan.
Maraming salamat sa lahat.

Kailan kaya darating ang araw ng pagbabago namin?
Isang pagbabago na maglilinis ng aming kalooban.
Kailan kaya darating ang araw ng kalinawan sa aming isipan
Upang hindi ka na namin sisihin sa aming kahirapan?

Kailan kaya maiintindihan
na ikaw ay gintong kailangan pahalagahan
katulad ng isang taong may damdamin at nararamdaman?
Hay! Sana dumating na, sana dumating na.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon