REVERSE SPOKEN POETRYHuli na ang lahat kaibigan
Dahil hindi totoong
minahal ka niya
Dahil ang totoo
Wala siyang pakialam at oras para sayo.
Hindi totoo na
Totoo ang mga nakasulat sa libro
Na Ito ay mga balita na puro lamang kasinungalingan
Huwag kang maniwala
na ang lahat ng salita ng diyos ay tama,
Kaibigan maniwala ka,
Niloloko ka lamang ng mga salita niya
Hindi totoo na
buhay pa ang diyos.
Patayin mo na ang pagdududa sa isip mo
Imulat mo ang mga mata mo
Huwag kang magbulag-bulagan
Patay na ang diyos
Hindi totoong
Ginagabayan ka niya
Dahil buhay pa ang diyos.
Patayin mo na siya sa puso't isip mo
Hindi siya ang nararapat sayo.
Alisin mo na, ang kadiliman
ay papasokin sa puso mo
Ang liwanag at pag-asa
Ay hayaan mong mawala
Kailangan mo siyang bitawan,Ang kadiliman
Ay yakapin
Ang diyos
Ay baliwalain
Ang sinasabi ng mga tao
Ay sundin
At ang mga utos ng diyos
Ay Huwag diringgin.
Kadiliman
at
kasamaan
Ay mananaig laban sa
Panginoon
Iiwanan ka niyang luhaan,
Hindi totoo na
Maisasalba tayo ng diyos
Maniwala ka sakin
Napagdaanan ko na ang lahat ng ito.
Alisin mo na ang paniniwala mo
Ang kasamaan ay
Ang bubuo ng pagkatao mo
Ang panginoong diyos
Ay maglalaho na sa buhay mo
Kasamaan
At
Kadiliman
Ay mananalo laban sa
Kabutihan.
Wala ka ng magagawa,
Hindi totoong,
May pag asa at pagbabago pa,
Sa puso mo'y kalimutan mo na,
Wala siyang puso
Hindi totoong,
Mahal ka niya,
Walang Diyos,
Huwag kang maniwalang
May Diyos,
Dahil ang totoo
Kinalimotan ka na niya
Hindi totoong
Nandiyan siya
Para sayo.Basahin pataas

BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso