Minsan lang akong nagmahal
Ngunit ilang beses akong nasaktan
Ilang beses akong lumuha
Ilang beses nagdurugo ang puso
Minsan lang tumibok ito
Minsan lang nakahanap ng tulad mo
Minsan nga lang, nagkamali pa
Ako ngayo'y lumuluha na
Lumuluha na kasi ang sakit
Ang sakit isipin na hindi ako
Hindi ako ang pinili mo
Hindi ako ang tinitibok ng puso mo
Nalaman na ang katotohanan
Ngunit ito pa rin ako sa iyong harapan
Umaasang marinig ang aking pangalan
Sa labi ng lalaking minahal ko ng lubusan.

BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso