BAKIT NGA BA?

97 7 0
                                        

Bakit nga ba may mga tao na mapang husga? Mapang husga sa mga bagay na nakikita nila. Hindi ba't tao lamang din sila? Tao na kailan ma'y hindi naging perpekto, na di man nila amini'y marami rin silang maling nagawa sa mundo

Ngunit bakit nga ba may mga tao na wala nang ginawa kundi sitahin ang pagkakamali ng iba? Paano naman ang mga pagkakamali na nagawa nila? Ganun nga ba talaga sila o nakikiuso lamang sa maling sistema, maling sistema na ngayon ay laganap na

Inaamin kong minsan ako'y isa sa kanila, isa sa mga taong walang ibang ginawa kung di ang manghusga. Ngunit minsa'y naisip ko kung tama pa nga ba, tama pa nga ba na makiuso sa maling sistema?

Ngayon ay pilit kong iniiwasan na muling mapabilang sa kanila, iniiwasan kong muli'y maging mapanghusga. Dahil noon ako'y isa rin lamang biktima. Biktima ng maling sistema at mga tao na mapanghusga.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon