Ipipikit ko ang mga mata ko upang hindi KO masilayan ang noon
Tatakpan ko ang tenga ko magbibingibingihan sa ingay ng noon.
Dahil anumang bilis ng paa ko sa paghakbang papalayo sa kahapon... hinahabol parin ako ng mga katagang sana ay buhay ka parin at sana nandidito ka sa tabi ko.
Hindi man ako lumilingon sa kahapon ngunit nakikita ko parin sa harapan ko ang sakit na dulot ng noon.
Dahil gaano man kalayo ang agwat ng noon at ngayon tulad ng araw at buwan itoy nagkakasalubong parin. Dahil gaano man magkaiba ang salitang noon at ngayon tulad ng lapis at papel itoy may koneksyon padin.
Dahil gaano man katagal ang alaala ng noon itoy maaalala mo parin....
Patuloy akong hinahabol ng mga katagang " sana ay "Hindi" noon ay "OO" na ngayon,
ng mga katagang sana ay "masnakasama kita",
ng mga katagang " sana di pa natapos ang kwento ng noon"..
Sige lang!!! Hayaan mo lang!!!
Hayaan mong habulin ka ng mga imahinasyong binubuhay at dinadala mo sa hanggang ngayon..
magpahabol ka sa "NOON" ngunit magpahuli ka sa "NGAYON".. dahil sa patuloy mong pagtakbo mararamdaman mo ang pag ngalay ng mga binti, mamamanhid ito hanggang sa kusang humito.. hihinto ka... uupo... iinom... magpapahinga... at dito mo maiisip na nalagpasan ka na pala nila... lumagpas na pala sila... ang sakit,ang luha,galit,kirot,at takot... matatanaw mo ang paglayo nila... at magpapasalamat ka nalang sapagkat mas malinaw mo nang nakikita ang "ngayon".
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso