IKAW,BUMITAW NA AKO

93 10 0
                                    

Dahil hindi na natin mahal ang isa't isa
Dahil hindi na natin kailangan ang isa't isa
Dahil lumuwag na hawak natin sa isa't isa
Dahil pinipilit nalang natin ngumiti para sa isa't isa
Dahil pinipilit nalang natin na maglambing sa isa't isa
Dahil hindi na tayo lumalaban
Dahil wala na tayo sa puso't isip ng isa't isa

Ikaw, bumitaw na ako

Dahil masakit na
Dahil wala ng saya
Dahil wala ng respeto
Dahil wala ng tiwala

Ikaw, bumitaw na ako

Bumitaw tayo sa isa't isa
Kasabay ng pagtiklop ng mga palad
Isang senyales na wala ng pag asang maghawak ulit
Hindi alam kung kailan at kanino ulit bubukas ang mga palad
Ikaw at ako
Natalo tayo ni tadhana

Ikaw, bumitaw na ako, paalam

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon