PANAGINIP

92 8 0
                                    

Nang nagising ako, biglang bumagsak ang mga luha sa aking mata,
Noong maalala ko, na ang "TAYO'y" tapos na.

Nagising ako, na magkasama tayong dalawa.
Hawak mo ang kamay ko habang nasa tabi kita.
Ang saya natin, sobrang saya.
Nagkukulitan, nagtatawanan, nag-aasaran
At kung minsa'y nagkakapikonan pa.
Basta, ang saya nating dalawa.

Pinapasok mo ako sa buhay mo,
Dinala sa mala-paraiso mong mundo.
Itinuring na reyna ng iyong palasyo.
Naging inspirasyon sa bawat paglalakbay mo.
Ginawa mo akong mundo,
Ginawa mong mundo sa buhay mo.

Naglakbay tayo, mula Pilipinas hanggang sa dulo ng mundo,
Naglakbay hanggang sa puso mo, hanggang diyan sa buhay mo.
Kumuha ka pa nga ng mga litrato,
Sabi mo, ito ang magsisilbing alaala na masaya tayo.
Ang saya-saya di ba?

Ginawa mo akong mundo.
Ginawa mong mundo sa buhay mo.

Nang nagising ako, biglang bumagsak ang mga luha sa aking mata,
Noong maalala ko, na ang "TAYO'y" tapos na.

Nagising ako, magkasama tayong dalawa,
Panaginip lang pala.
Hawak mo ang kamay ko habang nasa tabi kita.
Panaginip lang pala.
Nagkukulitan, nagtatawanan, nag-aasaran
At kung minsa'y nagkakapikonan pa.
Panaginip lang pala.
Pinapasok mo ako sa buhay mo,
Dinala sa mala-paraiso mong mundo.
Itinuring na reyna ng iyong palasyo.
Naging inspirasyon sa bawat paglalakbay mo.
Panaginip lang pala.

Ginawa mo akong mundo,
Ginawa mong mundo sa buhay mo.
Panaginip lang pala.
Naglakbay tayo, mula Pilipinas hanggang sa dulo ng mundo,
Naglakbay hanggang sa puso mo, hanggang diyan sa buhay mo.
Panaginip lang pala.
Kumuha ka pa nga ng mga litrato,
Sabi mo, ito ang magsisilbing alaala na masaya tayo.
Ang saya-saya di ba?
Kasi ang lahat ng ito'y PANAGINIP lang pala.
Panaginip lang, panaginip lang.
PANAGINIP LANG ...
Walang katotohanan, pawang panaginip lamang.

Ginawa mo akong mundo.
Ginawa mong mundo sa buhay mo.

Nang nagising ako, biglang bumagsak ang mga luha sa aking mata,
Noong maalala ko, na ang "TAYO'y" tapos na.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon