Hindi lahat ng pagmamahal nasusuklian,
Kaya't mag-ingat
Pag nagmahal ka wala nang bawian...Kung sana pwedeng ibalik ang nakaraan,
Yung mga panahong wala ka pang nararamdaman.
Yung panahong pwede mo pa sanang mapigilan-
Ang mapangiti, mahulog, magmahal ng lubusan,
hanggang sa ikay masaktan.
E di sana nakaya mong ibalik ang bawat luhang tumulo sa iyong mga mata!
Upang pahilumin ang puso mo na ngayo'y nagdurusa.
Kung sana maaari mong alisin ang bawat letra sa isang sulat
O ang mga liriko na siyang nagpapahayag ng mga labi mong uhaw-
Uhaw sa kasagutan at sa mga tanong na hindi pa matuldukan.
Naghihintay ng kahit kailan...
Kahit maraming paraan,
marahil marami din siyang dahilan!
Nagawa ka nga niyang kalimutan at sabihing
"Marami pa namang iba dyan.
Makakatagpo ka ng panibago na siyang magmamahal sau ng totoo.
Lagi lang akong nandito.. Kaibigan mo pa rin ako."
Ngunit ang mensaheng ito ay tanging paglulumanay, mula sa isang pusong tuluyan nang nalumbay.
Tulad ng mga talulot na
humihiwalay sa isang halamang malapit nang mamatay-
Bulaklak na hndi mo na puedeng ialay,
o itanim upang muling mabuhay...
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoesiaItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso