WALA NG IKAW AT AKO

63 7 0
                                    

Wala ng ikaw at ako.
Dahil hawak ka na ng ibang tao.
Wala ng ikaw at ako.
Dahil sa maling desisyon ko.
Wala ng ikaw at ako.
Dahil sa pagbabalewala ko sayo.
Hawak ka na ng ibang tao, at ako?
Heto umaasang babalik parin yung salitang 'tayo'
Patawad kung mas pinili kong lumayo,
Patawad kung mas pinili kong bumitaw
Patawad kung mas pinili kong iwan ka, kasama ng mga ala alang di na muling mabubuhay pa.
Patawad, yan lang ang masasabi ko
Sa lahat ng sakit na naidulot ko, Patawad.
Patawad kung noong mga panahong umiiyak ka sa harap ko ay wala akong ginawa kundi ang balewalain ka,
Ngunit ang tanong, mapapatawad mo pa ba ako?
Alam kong masakit, dahil sobrang lalim ng sugat na ginawa ko,
Nag iwan ako ng isang marka,
Marka na hanggang ngayon ay iyong dala-dala,
Ngayo'y nangungulila sayo sinta,
Kelan kaya ulit tayo magkakatagpo?
Dahil kapag nakita kita,
Hahawakan ko yung mga kamay mo,
Katulad nang paghawak ko sayo noon, noong mga panahong di pa ako nabitaw
Hahawakan kita, at sasabihin ko sa sarili kong di dapat kita bitawan.
Hahawakan at hahawakan parin kita,
Pero mahal, nagsawa kana.
Nakakapit kana sa iba,
Nakakapit kana sa taong kumapit sayo noong mga panahong binitawan kita.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon