HUWAG

63 6 0
                                    

Huwag mo akong sanayin,
sa mga bagay na alam mong aking hahanap-hanapin
Huwag mo akong sanaying gumising
na mensahe mo ang sasalubong sa akin,
Huwag mo akong sanaying mahalin ang trapiko
dahil alam kong ikaw ay nasa tabi ko
Huwag mo akong sanaying matuwa sa paghihintay ,
dahil alam kong ikaw ay darating
Huwag mo akong sanayin sa mga bisig mo,
na sasalo sa akin
Huwag mo akong sanaying lumuha sa dilim,
Huwag mo akong sanaying katakutan kang mahalin.
at huwag,
huwag na huwag mo akong sasanayin
na makinig sa mga kuwento mo ,
sa mga kuwento mong tungkol sa kaniya
sa kung gaano mo siya kamahal, mahal...
huwag naman , masakit na ,
ang sakit ng maging reserba.
nakakasawa ng pakinggan ang mga salitang
"Mahal kita kahit ganiyan ka "
hindi ba pwedeng
"Mahal kita kasi ganiyan ka " ?
Nakakapagod ang magmahal,
yung tipong kaka move on mo palang sa nakaraan,
heto at kailangan mo nanamang mag move on sa kasalukuyan.
yung moment na sumasaya ka palang,
ayan nanaman ang lungkot sa iyong harapan,
Nakaka pagod ang magmahal ,
Sumisikat pa lang si haring araw ,
nagbabadiya nanaman ang pagbuhos ng malakas na ulan,
heto nga't kakatanggap ko palang sa katotohanang,
hindi na niya ako babalikan
kailangan ko nanamang tanggapin ang katotohanang,
hindi mo ako magugustuhan.
Nakakapagod ang magmahal,
ay hindi,
mali,
sa lahat naman ng huwag ko sa buhay isa lang naman ang pinang gagalingan ,TAKOT.
takot na magmahal,
takot na mahalin ang ikaw,
takot na baka isang araw gumising ako
na mensahe mo na yung hanapin ko,
takot na baka isang araw mapamahal na ako sa trapiko,
dahil kampante akong ikaw ay nasa tabi ko,
takot na baka isang araw katuwaan ko na ang paghihintay,
dahil nananabik ako sa pagdating mo,
takot, na baka hanapin ko yang mga kamay mo para saluhin ako,
na baka yung sistema mo maging sistema ko,
na baka dumating ako sa puntong mas kabisado ko na ang ikaw kaysa sa ako,
na baka patakbuhin ko na itong buhay kong ito naaayon sa gusto mong maging takbo nito.
Takot, na baka bumalik siya at malimutan mo na ako,
oo natatakot ako na baka malimutan mo,
tulad ng pagkatakot na baka di mo mapansin,
sa sobrang takot ko ayaw ko ng magpunta ng pawnshop, baka kasi pagpunta ko dun malaman ko kung gaano lang kababa yung halaga ko, na sa sobrang takot ko nakatuwaan ko ng sumakay mag isa sa tricycle dahil dun nararamdaman kong special ako,
kaya mahal...
kung nakikita mo lang ang siya sa ako,
huwag nalang.
kung magka pareho lamang kami ng mga gusto ,
huwag nalang.
mahal,
kung ginagamit mo lang ang ako para maalis ang sakit na dulot ng siya,
huwag naman..
huwag mo naman akong sanayin sa mga bagay na hindi naman para sa akin...

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon