Hindi lahat ng bagay aking naiintindihan,
Ang iba ay di abot ng aking isipan.
Kaya pasensya kung minsan ako'y nakakainis,
Hindi naman ito ang aking ninais.Isinilang akong espesyal,
Hindi dahil sa katayuang pinansyal.
Espesyal na kalinga ang aking kailangan,
Sana inyong maunawaan.Pero gaya nyong mga normal, ako'y tao lamang,
Nasasakatan kapag sinasabihang mangmang.
Nagdaramdam kapag pinapahiya,
At kapag sinabihan nyo ako ng di kaaya-aya.Pasensya na kung minsan ako'y makulit,
At madaling magwala at magalit.
Hindi ko kasi maipahayag ang nararamdaman,
Dahil ang iba ay walang pakialam naman.Pagmamahal ang aking hanap,
At ang inyong pagtanggap,
Sana ako ay inyong maintindihan,
Sana ako ay inyo ding pahalagahan.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
ŞiirItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso