PATAWAD

70 8 0
                                    

Mahal, patawarin mo ako,
patawarin mo ako sa araw araw at gabi gabi kong pag-away sa iyo, sa mga salita na mas malamig pa sa yelo.
Sa mga araw na hindi pagpaparamdam sa iyo na mahalaga ka.
Mahal, patawarin mo ako,
patawarin mo ako sa kawalan na ng panahon at oras sa iyo.
Sa hindi pagunawa at pagintindi sa ugali mo.
Sa mga yakap mong mahigpit pero pinipiglasan ko.

Mahal patawarin
mo ako,

Patawarin mo ako dahil minahal kita ng Sapat Pero nagkulang.
Sa pagbibigay ng sobrang atensyon at malasakit sa ibang tao imbis na sayo.
Sa hindi pagpaparamdam na ikaw ang minamahal ko.
Mahal ko, tao lang din ako! Nagkakamali, nasasaktan, at lumuluha. Sa mga araw na pangbabalewala ko sayo.
Sa mga desisyon kong hindi mo gusto.
Sa mga oras na kaibigan ang kasama ko imbis na ikaw mismo.
Sa pagpiling Libangin ko ang sarili ko sa ibang Tao.
Sa mga Pangakong Hindi ko Natupad.
Sa mga Luha mong Diko mapunsan ng mga Kamay ko.
Sa mga Kasinungalingang sambit ko sayo..
Mahal, kung sakali mang makahanap ka ng ibang mamahalin mo!
Sana ako parin ang Matagpuan mo.
Matagpuan moko sa panibagong Libro na Sinusulat ko.
Sa panibagong Kwento ng Buhay ko at Buhay mo. Alam kong Pagod na Pagod knang intindihin ako kaya mas pinili mong Bumitaw, pero masaya ako Dahil ginawa mo yun, di dahil ayoko na, kundi dahil pagod narin ako. 😢
Pagod narin akong Makita kang nasasaktan at nahihirapan habang pilit na hinahawakan ang Lubid ng Ating Kwento.
Pagod nakong makitang Lumuluha ang mga magagandang Mata mo Dahil sa Gagong Tulad ko. Kaya sana kung dumating man ang Oras na Magmamahal ka Ulit sana ako nalang Ulit..
Ako sa bagong Kwentong Sinusulat ko.
Ako sa Bagong Mundo na Binubuo ko.
Wag ka mag alala at Manghinayang sa Libro O Kwento na dati nating Nabuo. Dahil lahat ng Pahina ng kwentong iyon ay akin ng sinunog.
Sinunog ko sa Nagbabagang apoy ng Pagbabago, sa apoy ng panibagong Kwento.
Mahal, Gusto sana kitang salubunhin sa dulo ng bagong kwentong ginagawa ko.
Pero mas naisip kong Abangan at Hintayin kanalang sa Dulo ng Ating Lumang Kwento.
at Sunduin para ihatid sa Makabagobg Libro na aking Nabuo at Pinamagatang ..
            IKAW AT AKO
            HANGGANG
            SA DULO NG
                MUNDO.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon