DATING TAYO

114 7 0
                                    

Mahal? Pinapalaya na kita. Pinapalaya na kita sa mga panaginip ko na kung saan tayo pa ay masaya, pinapalaya na kita sa mga alala ng nakaraan na alam kong kailanman hinding hindi ko na mababalikan. Pinapalaya na kita tulad ng malayang pagpatak ng luha ko sa pagbabakasali na sana "babalik ka pa" na sana "may tayo pa'' o kahit lang sana may pakielam ka pa. Mahal, napuno ako ng sana, napuno ako ng hiling na alam kong hindi didinggin dahil ikaw lamang ang nagiisa kong bituin. Ibig kong bawiin ka sa tadhana, handang gawin dahil yun ang sa tingin ko ay tama. Paano mo nga ba nasulyapan? Paano mo nga ba naabot ang dulo na tumapos sa salitang ikaw at ako? Paano mo nga ba nasara ang libro na ang sentro ng kwento ay tayo? Pano nga ba napalitan ang bawat pahina na ayokong buklatin, dahil ayoko. Ayokong tapusin. Ayaw kong tapusin dahil ayokong masayaw ka. Ayokong buklatin dahil ayokong mahalin ka. Mahalin ka sa huling pagkakataon. At  pagakatapos masaktan ng parang unti unting nayayapos.

Parang paghinga kong kapos na kapos sa paulit  ulit na sakit na hindi matapos tapos. Mahal? Hanggan kailan pa ba? Hanggang kailan pa ba matutulog sa gabi na maga ang aking mga mata? Hangang kailan pa ba ko magpupuyat para lang isipin kung bakit hindi parin sapat? Hanggang kailan pa ba ko gigising sa umaga parang lang tanggapin na kulang pa pala ang lahat? Dahil mahal. Masakit na. Masakit na masakit na. Masakit palang piliting ayusin ang isang bagay na sadyang sira na. Na masakit palang kumapit mag-isa kahit pa na alam kong bumitaw ka na. Pero mahal? Tumalon pa rin ako. Tumalon ako kahit alam kong wala nang sasalo. Nanatili pa rin ako kahit alam kong nilisan mo na ako. Lumalaban pa rin ako kahit alam kong sinukuan mo na ako. Minamahal pa rin kita kahit alam kong luluha lang ako. Umaasa parin ako kahit alam kong hindi na maibabalik ang ikaw at ako. Dahil matagal nang wala ang "DATING TAYO"

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon