Kay sarap pakinggan mga pangarap nating nabuo
Kay sarap balikan ang mga pangakong tila biglang naglaho
Pangakong Ikaw lang ang iibigin ko
Pangakong ikaw lang sapat na
Pangakong ikaw lang wala ng iba
Pangakong hindi kita iiwan kahit ano pa man
Mga pangakong napako pinako at napapako
Kay daling bigkasin ang salitang Pangako
Pangako Pangako Pangako mga pangarap nati'y tuluyang naglaho
Pangakong hindi ka sasaktan at paluluhain
Pangakong hindi ka pagsasalitaan ng mabibigat na salita
Pangakong hindi mo susumbatan sa lahat ng nagawa mo
Pangakong susundin ko kung ano ang gusto mo
Pangakong ibibigay ko lahat sayo
Pangako Pangako Pangakong naiwang Pangako
Pangakong tapusin na ito at magsimula ng bago
Ngunit ito'y muling napako tinapos at hindi na nakapagsimula ng bago.
Maraming salamat sa mga pangakong bumuhay sa relasyon na ito.
At hanggang sa muling paggunita ko sa sakit dulot ng iyong mga pangako.

BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoesiaItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso