MAHAL KITA

83 6 0
                                    

Salitang makasalanan kung ito'y aking ituring
Dahil sa bawat pagsambit mo nito'y kasinungalingan ang nais iparating,
Sa dinamirami ng taong maaaring biktimahin,
Bakit ako pa ang napili mong lokohin.

Sa bawat pagsambit mo nito'y kilig ang nadarama,
Hindi akalain na sa bawat pagbuka ng bibig mo'y kasinungalingan ang dala,
Pinaniwala mo ako sa salitang MAHAL KITA,
Kaya eto ako ngayo'y may pusong sawi at umiiyak magisa.

Sa dami ng katanungang hindi nabigyan ng kasagutan,
May isang tanong ang paikot ikot sa aking isipan,
Ang mga kataga mong "MAHAL KITA" ay minsan bang tunay na naramdaman?
O isang patibong para lang ako'y mapaglaruan.

Sa kabila ng pagpatak ng aking mga luha,
Sa pagitan ng ikaw at siya ay may kaakibat na saya,
Siguro dapat ko nalang tanggapin na tapos na,
Ang minsang masasayang oras nating dalawa ay isa na lamang ala ala.

Tatanggapin ko nalang na ang salitang "tayo" ay hindi mabubuo ng "ikaw at ako",
Dahil malinaw na merong "siya at ikaw" na bumubuo ng salitang "kayo"
At ang meron lang sa "atin" ay "hindi itinadhana pero ipinagtagpo",
Nabiktima lang ako ng buhay pagibig sapagkat ito'y mapaglaro.

Dadating din yung panahon na
Gigising ako sa umaga at hindi na ikaw yung taong inaalala,
Dadating din yung panahon na
Masasabi ko na sa sarili kong masaya na ako kahit wala ka.
Dadating din yung panahon kung kelan
Matatagpuan ko na yung yung taong
magpapasaya, magmamahal at ituturing akong prinsesa.
Dadating din yung panahon kung kelan
Masasabi ko na sa taong karapatdapat ang salitang MAHAL KITA.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon