UNTI-UNTI

143 13 0
                                    

Maraming salamat sa'yo,
Sayo na nangloko at nang gago,
Maraming salamat sa'yo,
Dahil sayo naranasan ko rin na maging tunay na tao.
Isang tao na nag-sasawa, nasasaktan at nahihirapan
Sa mga oras na ikaw ay may kailangan,
Ako'y laging nariririto at binabalewala mo lamang,
Wag kang mag alala--
Handa akong magpakatanga,
Kahit lagi mo akong binabalewala.

Ewan ko ba kung bakit ako nahulog sa'yo,
Pero salamat na rin at natuto ako,
Natuto akong mag-selos at mag-move on
Kahit hindi naman naging tayo.

Kahit ikaw man ay aking mahalin,
Kung hindi mo gugustuhin,
Wala akong magagawa kundi mag hintay na lamang sa wala
Kahit mahirap man tanggapin,
Ito ay aking gagawin parin.
Kahit ako'y masaktan, masugatan, o mahirapan,
Lahat ng iyan ay aking tatanggapin
Kahit iyan pa ay iyong paulitulitin.
Sa tingin ko
Hindi nga yata ako tao,
Mas mukha pa akong trumpo dahil sa kung papaano mo ako paikutin.
Pero maraming salamat dahil doon natauhan na ako,
Akalain mo yon--
Dahil sa panggagago mo,
Naranasan ko muli maging tao,
Dun ko napagtanto na napapagod rin pala ako.
'I love you' sabi nya,
Ako naman 'tong si tanga,
Naniwala sa panggagago nya.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon