Tinanong kita diba?
Pero mga sagot mo'y napakalayo na.
Ilang ulit ng pumapatak ang aking mga luha.
Pero lahat ng iyon ay iyong binalewala. Paulit ulit kitang tinanong. ang lagi mo lang sagot at MAHAL KITA!Mahal mo mga ba ako?
Mahal mo ba talaga?
Bakit diko madama?Mga pangako mo'y unti-unti ng napapako, Tulad ng mainit na kape na unti unting lumalamig.
Ginawa ko ng lahat pero hindi parin sapat. Bakit mo pa pinaramdam ang tamis kung papalitan rin naman ng pait. Pinaligaya kita ako namay iyong pinaluha.
Bakit habang may tayo,May kayo!
Habang nasasaktan ako.
Ikaw nama'y nagpapakasaya kasama ang bago .

BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PuisiItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso