Asan ka? mahal ko. Asan na ang mga pangako natin sa isa't-isa? Alaala na lang ba ang lahat ng iyon? Babalik ka pa ba? yan ang mga tanong sa aking isipan na hindi maalis-alis dahil naniwala ako! sa mga pangako mo! mga pangakong napako, na bigla na lang nag laho. Mga salitang nakatatak sa aking puso at isipan na "MAHAL KITA IKAW AT AKO LANG" na mahal "KAHIT ANONG MANGYARE LALABAN TAYO" na mahal
"MAG-AAWAY LANG TAYO PERO HINDI TAYO MAG HIHIWALAY" asan na ang ikaw at ako lang? asan na ang lalaban tayo? asan na ang hidi tayo mag hihiwalay? wala na! dahil hindi mo naman talaga kayang panindigan ang lahat ng mga pangakong sinabi mo. Kaya sana MAHAL KO kung may pag kakataon pa na maging tayo muli. SANA kaya muna panindigan ang mga pangako na iyong bibitawan. Dahil mahal nakakapagod din umasa sa mga SANA at mga PANGAKO. Tatanggapin parin kita kahit na ang kapalit nito ay kalungkutan at sakit dahil MAHAL KO MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA.Kahit na pag layuin man tayo ni TADHANA. Ipaglalaban kita at sana ganun ka din, kaya mo kong ipaglaban MAHAL KO kahit na ang mundo na ang ating kalaban. Sana hindi na tulad ng dati na ako na lang ang lumalaban at ikaw ay suko na dahil iba na ang iyong pinaglalaban na ako na lang ang kumakapit sa ating RELASYON samantalang ikaw ay bumitaw na. Masaya kana sa piling ng iba. SANA hindi na maulit pa ang ating masamang nakaraan sana bagong akda naman yung para bang ROMEO at JULIET na sabay tayong lumalaban sa lahat, sabay nating tutupadin ang ating mga pangako at sabay tayong tatanda. Dahil MAHAL KO wala na kong ibang gusto pa kung hindi ikaw. Pwede bang tayo ulit? pwede bang mag simula ulit tayo? Sana pwede pa.

BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoetryItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso