"NAGING TAPAT NAMAN AKO AH?"
Naging tapat naman ako sayo
Pero bakit ganun, nagawa mo pa rin manloko?
Naging tapat ako dahil sa pag-asang magiging tapat ka rin
Sa mga pangako mo na ikaw lamang at ako
Ngunit katulad ka rin naman pala ng iba
Na walang ibang alam kundi mangako
Mangako ng mga salitang palaging napapako
Niloko mo ako ng paulit! Ulit! Ulit!
Hindi ka ba napapagod?
Kasi matagal ng napagod ang puso kong nadurog
Pagod na ako na umasa na magiging tapat ka pa
Pagod na akong patawarin ka
Sa mga panlolokong ginawa mo sinta
Siguro nga kailangan na kitang iwanan
Dahil baka ang puso ko'y madurog na ng lubusan
Sa mga panloloko mong walang ibang dulot kundi ako'y saktan
Kaya ngayon tatapatin kita
Uulitin ko. TA-TA-PA-TIN KI-TA
Ito naman ang lagi kong ginagawa diba?
Ang maging tapat sa pagmamahalan nating dalawa
Maraming salamat dahil ikaw ay aking nakilala
Naging aral ka sa akin
At ngayon ako'y natuto na
Kaya ngayon handa na akong lisanin ka
Handa na akong hanapin at buoin muli
Ang puso kong nadurog ng dahil sayo aking sinta
Ngunit bago ako tuluyang lumisan
May salita lamang akong
Nais sayong iwanan
At hiling ko na sana
Tumatak sa iyong isipan
"Sana magbago ka habang maaga pa, dahil balita ko paparating na sayo si KARMA".

BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
ŞiirItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso