HINDI PARIN SAPAT

225 13 0
                                        

Naaalala mo pa ba mga panahong masaya ka?
Nandun ako diba?
Hindi mo lang alam na mas masaya ako.
Kasi bawat pagtawa at pag ngiti mo..
Ang dahilan ay ako.

Naaalala mo pa ba mga panahong may kailangan ka?
Sino bang nandun?
Ako nanaman! Hindi ba?
Natatawa ako noon sa sarili ko..
Alam kong hindi mo kailangan ang tulong ko.
Pero wala kang nagawa, ako lang ang nag iisang natira sa tabi mo.

Naalala mo pa ba? Yung mga panahong hindi ka masaya?
Nakatingin sa malayo, tulala.
Ako nanaman pala ang nakakita kaya pasensiya!
Kahit nagmukhang tanga.
Gumawa ng kabaliwan para lang mapasaya ka.

Naaalala mo pa ba? Lalo na noong umiiyak ka?
Na halos ung sipon mo, tutulo na?
Tissue ko na bagong bili, sa iyo'y binigay pa.
Na sabi mo'y papalitan mo pero hanggang ngayon naman wala pa.

Naaalala mo pa ba yun?
Pero ni hindi ko alam ang gagawin ko noon.
Hindi ako sanay.
Hindi sanay na makitang mga luha mo'y tumutulo.
Umiiyak lang at hindi kumikibo.
Sino nanaman palang kasama mo?..
Hindi ba't ako?

Ako na lahat gagawin para sayo.
Pero bakit ganon?
Ginawa ko nang lahat...
Mukhang hindi pa rin sapat.

Hindi pa rin sapat.
Hindi!

Okay lang na ako ung wala wag lang ikaw..
Okay na ako na ang masaktan wag lang ikaw!

Pero hindi e.
Hindi.
Hindi pa rin sapat.

Diba ako ung palaging nasa tabi mo?
Lalo na't kailangan mo.
Hindi ako nawala.
Pag kailangan mo ng kausap.
Pag kailangan mo ng mayayakap.
Pag kailangan mo ng masasandalan..
Pag kailangan mo ng maiiyakan..
Hindi mo ba naaalala?
Na ako ung nandun kapag wala sila!

Pero hindi.
Hindi mo pinahahalagahan.
Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan?
Hindi pa rin ba sapat?
Ha?

Alam mo kung ano ang napapansin ko?
Na kaibigan mo lang pala ako kapag kailangan mo.
Na ako naman itong si tanga..
Na gagawin lahat sayong hype ka!
Para lang matuwa ka..
Para lang mapasaya ka..
Basta para sayo.
Lahat naman diba ginagawa ko?
Lahat sinusubukan ko?
Lahat.

Oo lahat!
Hindi pa rin sapat?

Ano bang gusto mo?
Naguguluhan na ako.
Nasasaktan na ako.

Makita mo na sana lahat ng efforts ko...
Dahil sa oras na mapagod ako.

Humingi ka man ng tawad.
At gawin mo man lahat.
Lahat ng yun.
Hindi na rin sapat.

Tagalog Spoken PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon