PATAWARIN MO AKO

156 10 0
                                    

Kadalasan sa mga tiangge, mga palengke at mga mall mo lang yan naririnig.
Kaya sana mahal handa ka rin na marinig yan mula saakin.
Patawad, patawarin mo ako sa patuloy kong pagmamahal sayo kahit na hindi ko alam kung ako ba ay minahal mo
Patawarin mo ako sa patuloy kung pagkapit sa mga kamay kahit na ramdam kong tila ikinahiyaya mo na ako.
Patawarin mo ako sa bawat madadadramang salita na paulit-ulit sinasambit ng mga labi ko kahit na alam kong gusto mo ng takpan ang mga tainga mo.
Patawarin mo ako sa bawat pagpunta ko sayo sa computer shop at pagdadala ko sayo ng pagkain.
Patawarin mo ako sa bawat sorpresa ko sayo sa tuwing sasapit ang ating monthsarry.
Patawarin mo ako kasi nagagalit ako sa mga kumakausap at nagchachat sayo kahit na alam kong mas may pakialam ka sa sasabihin nila kesa sa galit ko.
Patawarin mo ako sa bawat paghihinala ko.
Patawarin mo ako sa bawat pagaalala ko.
Patawarin mo ako sa bawat pagtatampo ko.
Patawarin mo ako sa bawat paglalambing ko.
Patawarin mo ako sa pagsundo ko sayo mula sa eskwelahan para ihatid ka sainyo.
Patawarin mo ako kung minahal ko siya dahil pinunan niya ang pagkukulang mo.
Patawarin mo ako kung nakalimutan kong may nobyo pala akong walang pakialam saken.
Patawarin mo ako kase napagod na ako
Patawarin mo sana ko mahal dahil sa iba ko na ibinalin ang pagmamagal na dapat ay para saiyo.
Patawarin mo ako kase pinili kong isalba ang sarili ko mula sa apoy mo.
Hiling kong patawarin mo ako gaya ng pagpapatawad ko sayo sa tuwing binabaliwala mo ako, sa tuwing sinasaktan ako ng mga salita mo, sa tuwing pinapanuod kita habang sinusubuan siya ng paborito nating pagkain, at sa tuwing binibitawan mo ang kamay ko dahil marami ang nakakakita.
Ngunit mahal, huwag kang magalala pinatawad na kita. Kaya sana napatawad mo rin ako dahil sa pagbitaw ko sa relasyon na ako lang naman talaga ang nakakapit.
Patawad mahal dahil minahal kita.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon