PA(NGA)KO

63 8 0
                                        

May mga bagay na hindi ko malaman ang sagot
Mga bagay na nagdudulot satin ng lungkot
Isang magandang halimbawa ay ang ating mga pangako
Na itinaga natin sa bato noong masaya pa tayo
Mga pangakong walang iwanan na tila di ko malaman ang kahulugan kung bakit hindi natin maisakatuparan
Gabi gabing iniisip ang dahilan
Na maaring dahilan ng iyong paglisan
Naguguluhan
Nasasaktan
Hindi ko na maintindihan
Kung bakit ang pangako ay nasundan ng paalam
Ano ba ang dahilan? Hindi ko alam, hindi ko alam
At hindi ko malaman laman kung bakit ba nasambit ang mga pangako nating hindi makatotohanan
mga pangakong sana'y matupad man lang
Ninais kong paniwalaan ang lahat ng ito
Pinghawakan ko lahat ng pangako mo
Pero mas mabuti na sigurong bitawan ko na ito
Dahil sa higpit ng kapit ko dito
Di ko namalayang nasasaktan na pala ako
Walang magawa kundi ang matulala
Kasabay ng pagpatak ng luha
Iniisip kung lalaban paba o susuko na
Kasi mahal ang hirap lumaban lalo na kung ako lang mag isa
Pero bakit ganun? Gusto ko parin marinig
Ang iyong bawat himig
Ang iyong bawat tinig
Ang mga pangakong galing sayong bibig
Lalo na ang dati nating pagibig
Kahit na ansakit sakit
Kahit anong pilit patuloy mo parin akong napapaniwala sa mga pangakong mahal mo pa ako
Sa mga pangakong barbero
na alam ko namang di  magkakatotoo
Kaya aking napagtanto maraming kahulugan ang pangako
Pangako na tumatatak sa puso't isipan
Pangako na gugulo ng yong isipan
Pangako na di mo mapigilang paniwalaan
Pangako na panghahawakan mo
Pangako na mag babago sa mundo mo
Pangako na nasasabi lang kapag ikaw ay masaya
Pangako na ginawa lang para masira
Masakit pero totoo
Yan ang nalaman ko sa bawat bitaw mo ng pangako
Kaya naman mahal wag mo akong intindihin
Wag mo na ko isipin
Magiging okay lang ako
PANGAKO

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon