MAGNANAKAW

129 11 0
                                    

Ang kauna unahang babaeng nakupukaw saking mga mata at nakapagpapawi ng uhaw sa puso kong sumisigaw.
MAGNANAKAW.
Kapag ika'y dumaraan  ang daming leeg na nababali at ang mga lalake sa kapaligaran ay napapangiti.
Ngunit iba ang aking nakita,Ako'y nabighani hindi dahil sa maganda mong mukha o sa mga perpekto mong kurba,Hindi dahil sa mga labi mong malambot o mala bituin mong mga mata.Ako'y lalong tinamaan nang nalaman kong ang iyong storya at mga pinagdaanan,Iba ang iyong katangian sa lahat ng kababaihan.Marami mang nanakit, nanatili pa rin ang ngiti mong binigay ng langit.Habang mas tumatagal mas lumalim ang pagkakaibigan,hanggang umamin ako sayo ng aking nararamdaman.Ngunit hindi mo matanggap ang marumi kong nakaraan,At mas pinahalagahan ang pagkakaibigan.Hindi ko matanggap na ang aking pagmamahal ay di sapat para sa aking pinapangarap.Ang aking mga matang naluha ay parang ulan na hindi natila.Ilang araw kang iniyakan dahil di matanggap na ang mahalin ako ay di mo matutunan.Lumipas ang mga araw ngiti sa aking mukha'y muling nagbalik.Natanggap na hanggang dito nalang at di na muling matitikman ang iyong halik.Ngunit ako'y may nabalitaan.Nang galing sa matalik mong kaibigan.Ako pala'y iyong minahal ngunit di mo kayang ipaglaban.Para akong pinagsaklubann ng lupa't langit.Hindi mapigilan ang pag hikbi dahil sa puso kong napakahapdi.Hindi ko alam kung ang ngiti ay maibabalik pa saking mga labi.Hanggang sa araw na to'y pilit na nagkukunwari na para bang walang naramdaman at nangyari.
MAGNANAKAW.
Ang kauna unahang babae na sa puso ko'y nagbigay ng Saya at hapdi,Luha at ngiti.
MAGNANAKAW.
Ninakaw mo ang puso ko at hanggang ngayo'y Nagkukunwari na walang nararam damang  pighati.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon