Simula nung dumating ka sa buhay ko
Ikaw ang naging liwanag sa madilim na nakaraan ko
Ikaw ang nag nagsilbing tanglaw sa daan para ako ay mag bago
Ikaw nagbigay ng ningnging sa puso ko
Ikaw na tumulong sa akin para maging mas komportanble ako
At ikaw na nagbigay ng kulay sa madilim kong mundo na sobrang ingay at gulo.
Pero sa pag lipas ng mga araw
Nakita ng puso ko
Na may nagbabadyang matinding delubyo
Na magpapadilim sa aking mundo
At tama ang hinala ko
Unti unting nilamon ng kadiliman ang liwanag na nagsisilbing ilaw ng buhay ko
Hanggang sa tuluyang iwan at saktan mo ko.
Iniwan. Oo, iniwan mo ko sa gitna ng napakalakas na ulan
Kung saan wala akong masilungan kasama ang puso kong sugatan
At sa sobrang dilim ng aking kapaligiran
Hindi ko na alam kung saan ang tamang daan
Na magbabalik sa akin na kasama ka at ating masayang nakaraan
Nasaan na nga ba ang daan?
Ang daan Namakakapagpagaling sa puso kong sugatan
Naghahanap ako ng liwanag, hanggang sa makakita ako ng alitaptap
Dahil sa kanya, medyo nagbalik ang aking saya at sigla
Pero ito ay pansamantala lang pala
Muling bumalik sa dati
Bumalik ang oras na wala akong makita
Bumalik ang oras ng kadiliman
Iyak ako ng iyak na para akong nasa isang kawalan
Na walang nakaririnig at nakapapansin
Kaya nais kong malaman mo ang mga mensahe na nais kong iparating sayo
Mahal ko, ikaw pa rin ang hinihintay ko
Mag hihintay ako sayo
Kahit hindi ako sigurado kung babalik ka
Maghihintay ako kahit na sobrang nasaktan mo ko
Dahil umaasa ako na babalik ka
At ang masayang nakaraan na kasama ka
Sana bumalik ka pa
para maitama ko ang lahat ng pagkakamali ko
Sana bumalik ka
Para ayusin natin to
Sana bumalik ka
Dahil mahal na mahal kita at kailangan kita
At dahil gusto ko na kasama kita sa pagtupad sa mga pangarap ko at pangarap na bubuuhin natin dalawa
At sana bumalik ka, dahil hindi na kita muling bibitawan at papakawalan pa
At kung hindi ka na talaga babalik pa
Tatanggapin ko nalang kahit na ako ay nasasaktan
At para sayo papatawarin ko na rin ang tadhana
Sa ginawa sa akin at sa ating dalawa
Mahal na mahal kita
Kahit wala ka na
Pero umaasa pa rin ako
Na sa likod ng sakit sa kadiliman na nararanasan ko ngayon
Ay alam kong may darating na bagong liwanag
Kasama ang makulay na bahaghari
At makinang na mga tala sa buhay ko
Pero bago ko tapusin to
Nais kong sabihin sayo na patawad
Dahil dito lang ako naging matapang at nais kong rin na malaman mo
Na nagpapasalamat ako na may isang IKAW na dumating para baguhin ang isang gagong tulad ko.

BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoezieItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso