Naaalala mo pa ba?
Yung mga araw na mag-isa ka pa
Yung mga araw na binitiwan ka nya at sinalo kita
Yung mga araw na binalikan mo cya at iniwan akong nag iisa
Yung mga araw na pinaraya kita
Naaalala mo pa ba?
kung paano kita tinanggap nung inayawan ka nya?
Isa, dalawa, tatlong beses, hindi ko maalala
Hindi ko maalala ung mga panahong ako naman ang masaya
Hindi ko maalala na ako naman ung mahalaga
Naaalala mo pa ba?
Yung mga panahong iniwan mo ko para sa mga pangarap mo?
Wala kang narinig kundi ang pag-oo ko
Yung mga araw na ang tanging hiling ko ay ang mga yakap mo
Wala akong magawa kundi bilangin ang araw ng pagdating mo
Naaalala mo pa ba?
Yung mga panahong niloko mo ko?
Takot, inis, galit ang tanging naramdaman ko
Takot, inis, galit na nilunok ko
At pinanghawakan ko lahat ng pangako mo
Naaalala mo pa ba?
Yung mga araw na tayo’y masaya
Sabay tayong nangangarap at tumatawa
Sabay natin pinakikinggan ang paborito nating kanta
Kumakanta kahit sintunado pa
Naaalala mo pa ba?
Sa tabing dagat tayo mahilig maglakad
Habang inaamoy ang hangin na mahalimuyak
Dinadama ang bawat buhangin sa paang nakayapak
Ang sarap balikan, nakakagalak!
Naaalala mo pa ba?
Yung panahong sabay tayong nagsisimba
Pipilitin gumising kahit puyat pa
Dadayuhin kahit malayo pa
Sulit naman lahat pag kasama kita
Naaalala mo pa ba?
Yung pagaalaga mo tuwing may sakit ako
Mamasahinin ako kahit masakit katawan mo
Yung pagluluto at pagsisilbi mo
Kahit pagod ka na sa kakaasikaso
Naaalala mo pa ba?
Naaalala
Mo
Pa
Ba?
Naaalala mo pa ba?
KASI AKO, SANA HINDI NA.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoesiaItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso
