PASENSYA NA

328 8 0
                                    

Hindi ko alam kung kailan nagsimula at hindi ko rin alam kung kailan magtatapos
Ang alam ko lang ay minsan akong nagmahal ng lubos at hindi ko rin alam kung hanggang kailan ito mauubos.
HINDI KO ALAM , kasi hindi ko naman talaga alam kung alin sa mga bagay sating dalawa ang dapat ko pang panghawakan pa o alin sa mga ito ang dapat bitawan na..
HINDI KO ALAM dahil ang tangi ko lang namang alam ngayon e ang MAHAL KITA, na gusto pa kitang makasama, na gusto ko pang sumakit ang tiyan kakatawa sa mga bagay na ginagawa mo kahit alam kong hindi naman talaga nakakatawa,gusto pa kitang makasama kagaya ng matatamis na kahapon , at wala nang mas tatamis pang ngayon at bukas..
Alam kung paulit ulit nalang pero sa mga bagay na GUSTO KO PA hindi ako magsasawang sabihing GUSTO KO PA hanggat hindi mo pa sinasabi saking AYAW MO NA , na SAWA KA NA, na ANG LAHAT AY TAPOS NA !
At kung sakaling dumating man ang araw na iyon isang bagay lang tanging masasambit ng aking bibig na kating kati parin banggitin ang pangalan mo sa kawalan..
PASENSYA ! Pasensya ka na kung MINAHAL KITA NG LUBOS, PASENSYA kung pilit ko paring hinawakan ang yung kamay kahit na itoy naglalapnos, PASENSYA kung kinikilig parin ako sa maliliit na bagay na ginagawa mo at PASENSYA kung pinipilit ko paring paniwalain ang sarili ko na posible parin MAGING TAYO 😢

PASENSYA... PASENSYA... PASENSYA...

At ngayon, sa sakit at pighating iniwan mo.. Umaasa parin ako...
Umaasa na sasabihin mo rin sakin balang araw na...

"PASENSYA DAHIL HINDI KO NAGAWANG MAHALIN KA NG HIGIT PA SA PAGMAMAHAL MO"

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon