TAYO

79 7 0
                                    

Tayo, Salitang nag uugnay sating dalawa.
Salitang pilit kong pinanghahawakan pa.
Nais kong panghawakan ang salitang tayo.
Ngunit bawat sambit ko nito'y ipinagsisigawan mong tapos na tayo.

Bakit pa nabuo ang salitang tayo
Kung ikaw naman mismo ang sisira nito.
Na kahit hirap na hirap na akong hanapin ang salitang tayo sayo.
Ipaglalaban ko parin to.

Dapat pa bang kumapit?
Na sa twing may problema tayo'y
hiwalay agad ang iyong isinasambit.
Ngunit akong tangang sayo'y umiibig.
Na kahit sakit na sakit na ay
ipagpapatuloy ko parin.

Sa araw at oras na kausap kita.
Ramdam ko'y iba kana.
Di tulad dati na masayang masaya kapa.
Iba kana!
Asan na tayo? Na dati'y iyong ipinagmamalaki pa.

Nakakalungkot isipin na ang salitang tayo sayo'y iba na ang ibig sabihin.
Takot akong malaman ang totoo.
Takot na sayo pa ito manggaling.
Oo, masakit
Ngunit diba't ito na ang nangyayari sa atin.

Pakiramdam ko'y hindi kana masaya sa salitang tayo.
Takot itanong sayo kung meron pa bang tayo.
Dahil baka ito'y totohanin mo.

Pagod na akong intindihin.
Pinipilit kong kalimutan ang
Sa ating nagdaan.
Dahil alam kong para sayo ito'y isang alaala nalang.

Pangako mo'y tila napako.
Bibitaw na ba ako?
O ipagpapatuloy ko at ipaglalaban ka?
Kaya ko ba?
O dapat ko bang sabihin na
Kakayanin ko pa.
Dahil mahal kita at di kita kaya iwan pa.
Dahil sa akin ang salitang Tayo ay di na mawawala pa.

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon