Para sa mga umasa at patuloy pang aasa..
Dalawang salitang hindi mo man gustuhing sabihin pero kailangan. Kailangan sa dahilan na upang makaiwas sa sakit o itago sa iba ang pakiramdam na unti unti kang dinu durog ng taong wala namang pakialam sayo. WALA NA , ang pakiramdam mong tamang sagot tuwing tatanungin ka nila ng "Mahal Mo Pa Siya?". WALA NA , ang sa tingin mo'y sagot upang hindi ipakita sa ibang sakit na sakit ka na sa nakikita ng iyong dalawang mata. Wala ee , pinili mo/natin ang hayaan ang sarili na mahulog sa kumukulong tubig ,na pakiramdam mo'y umiinit ang sarili mo dahil sa nararamdaman sa kanya ngunit hindi mo naisip na baka sa huli ay mapapaso ka. WALA NA , kasi wala naman talagang magandang kahahantungan kung ipagpapatuloy pa. Kahit anong pilit mong higpitan ang pagkakayakap sa kanya , kahit gaano karaming beses mong banggitin sa kanya ang salitang "mahal kita" , kahit idiin mo pa ang iyong mga labi sa kanya para lang iparamdam na mahal mo siya, kahit higpitan mo man ang pagkakahawak sa kanyang kamay kung bibitawan naman niya.
Wala ka nang magagawa kasi kahit anong pilit mong ipagsisiksikan ang sarili mo sa kanya lalo mo lang ipinapaalala sa sarili mo kung gaano ka nagpakaTANGA at hanggang kailan ka pa magpapakaTANGA. Pero hindi mo naman masisisi sarili mo, dahil kahit papano hindi mo maikakailang sumaya ka parin sa piling niya , yun nga lang itoy pawang mga kasiyahang pansamantala. Kayat kasabay sa pansamantalang kasiyahang ibinigay niya , pansamantala ring mamamahay ang sakit sayong pusong sabik at uhaw sa ligaya.
Hayaan mong pansamantala ring mamahinga ang iyong sarili kakaisip kung totoo ba ang mga matatamis na salitang binitawan niya. Magpahinga kat hayaang antukin hanggang sa magising ka isang araw saka mo nalang ulit panghawakan ang dalawang salitang...WALA NA , hindi man totoong inanod na iyong mga luha ang pait at nararamdaman mo sa kanya. Ang importante ay kahit papaano ay nakatulong sa iyong unti unting kalimutan siya kakasabing "WALA NA" kahit ni minsan ee hindi naman nawala talaga..

BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Poetry
PoesíaItong libro na ito ay Punong puno ngmasasakit na salita ng naka patula kaya nais ko mabasa niyo dahil ang tulang ito ay tatagos sa inyong mga puso