KASAGUTAN

163 12 0
                                    

Lalapit ka nanaman sakin?
Syempre ako si tanga aasa nanaman sayo.
Hindi ko alam kung bakit ka ganyan sakin?
Oo. Sobra sobra na akong nalilito.

Para san ba yang mga pinag gagawa mo?
Nag bibigay ka nga ba ng motibo?
Ano ba ang turing mo sa katulad ko?
Kaibigan lang ba o ano?

Ni minsan napapaisip ako.
Paano kaya kung aminin ko na sayo?
Siguro iiwas ka no?
Kase kaibigan lang naman ang tingin mo sa tulad ko.

HAHA! Nakakatawa diba?
Patuloy parin akong umaasa.
Nakakainis diba?
Pero hayaan mo na! Makakalimutan din kita.

Pero sana kapag nakalimutan na kita wag mo na akong guluhin.
Sana kapag nakalimutan na kita masaya ka para sakin.
Sana kapag nakalimutan na kita wag mo kong sisihin.
Kasi ngayon palang, Gusto ko na talagang alamin.

Ano nga ba talagang meron satin?
Osige aaminin ko na. Mahal kita pero ano bang tingin mo sakin?
Mahal mo ba talaga ako katulad ng pag mamahal ko sayo?
O katulad ka lang ng ibang mga lalaki na pinapaasa lang ako.

Oo tanga na kung tanga!
Pero gusto ko lang talagang malaman kung ano ba talaga.
Handa naman ako sa mga maaaring isagot mong sinta.
Ngunit umaasa parin akong sasambitin mo ang mga katagang "Mahal rin kita."

Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon